CHAPTER 35

4 1 0
                                    

"Okay na ah, pupunta na tayo. Balik na ko sa trabaho" tinuro niya ang taas ng bahay "Lunch mo ah. Tita, vitamins niya" si Mommy naman ang kinausap niya


"Ako nalang gagawa, tapos bantayan mo nalang anak ko" natatawang sambit ni Mommy


"Joke lang, sige una na po ako" umalis na siya at pumanik na sa taas "Sabihan mo ako, pag aalis ka na or text mo ako"


Lahat kami ay nakatingin sa kanya habang umaakyat siya sa taas. Medyo maingay dito kasi nga ginagawa nila. Naririnig ko naman ang pagtawa nila Daddy at Kuya. Si Mommy naman ay naramdaman ko na umakbay at ipinatong ang ulo sa balikat ko.


"He's a good man, anak" bulong ni Mommy


"I know, Mom" simula palang talaga alam ko na


"Oo nga, kawawa naman siya" si Kuya


"Kuya! Magasawa ka na kasi" umupo ako sa bagong style ng countertop namin at tumabi sa kanya "Tumatanda ka na eh"


"Tss. Sunduin ko lang, Kurt, bonding lang kaming magkapatid" tatayo na sana siya ng bigla akong nagsalita


"Ano? Ang daya niyo ah! Kapatid niyo pa rin ako, sama ako" wala na siyang nagawa kaya sumama na lang ako


"Ako na magsasabi kay, Cullen na umalis ka ah" sigaw ni Daddy


Kahit naman na sinabi ni Daddy na siya ang magsasabi kay Sage ay tinawagan ko pa rin siya habang nagd-drive si Kuya. Hindi ko na dinala ang sasakyan ko, uuwi din naman kami mamaya.


"Bye na, magtrabaho ka kaya jan"


"Mag ingat ka, bigla bigla ka naman kasing umaalis. Ay oo nga pala, puede mo ako bilhan ng deodorant?"


"Ng ano?" natatawa kong sinabi "Wala ka na ba sa condo mo?"


"Magpapabili ba ako kung meron pa? Send ko nalang sayo kung ano deo ko. Bye, I love you"


"Love you" pagkababa ko ng tawag ay nakita ko na nakatingin sa akin si Kuya at nakakunot ang noo


"Ano?" tanong ko sa kanya "Tumingin ka sa daan. Hanapan nalang kita asawa"


"Ayaw ko nga. Kaya ko naman mabuhay nang walang asawa" sabi niya sa akin


"Sus, sinsabi mo lang 'yan kasi wala ka talagang jowa. Dali na, Kuya, iba ang pakiramdam"


Hindi niya ako sinagot pagkatapos kong sabihin 'yon. Pagkababa namin sa school ni Kurt ay mayroong mga naktingin sa amin. Hindi ko alam kung dahil dito sa kasama ko, Si Kuya o dahil sa aming dalawa talaga. Hanggang sa may isang lumapit sa akin.


"Hello po" bati niya sa akin "Kayo po si Isabel Suarez?" mukhang highschool pa siya


"Hi. Yes, why?"


"Puede po ba kayo mainterview? For project we have to interview ex-volleyball player. Kakausapin palang po sana namin si, Kurt, para sabihan po kayo. You're a good example po kasi" paliwanag niya sa akin


"Sure. Ngayon na ba? Friends kayo ni Kurt?"


"Kung hindi po sana kayo busy ngayon. Kinda" alam ko na baka nagsususngit nanaman kapatid ko


"Wait lang ah"


Kailangan ko muna na sabihan si Kuya baka mabwiset sila sa akin ni Kurt kapag pinaghintay ko sila. Mga bugnutin pa naman.


Highway Above Horizon (Road Trip Series #2)Where stories live. Discover now