CHAPTER 40

4 1 0
                                    

"Yung mas malaki nalang" turo ni Sage sa wood na car


"Ang bigat kasi niyan. Ipagdi-display lang naman 'yan ni Kurt. Mas okay na 'yung maliit"


Last day na namin ngayon, mamayang hapon na ang flight namin pabalik sa manila. Kaya ngayon ay andito kami sa mga nakahilera na souvenir shops. Ito nalang ata ang gagawin namin ngayon, hindi ko lang alam kaySage kung mags-swimming pa siya mamaya. Sasamahan ko nalang siguro siya. 


"Hindi naman ikaw magbi-bitbit eh" aba ma-attitude "'Yung malaki na"


"Bahala ka sa buhay mo"


Tulad nga ng napagusapan namin ay ako ang magbabayad sa mga pasalubong na bibilhin namin. Subukan niya talagang tumnggi magagalit ako sa kanya. 


Ang wood na car ni Kurt ang pinakauna namin na binili. Sunod naman ay ang mga tshirt. Family niya at family ko ang sunod na binilhan namin. Siya na ang pinapili ko sa mga tshirt nila Daddy, Tito, Chad, Kuya, at Kurt. Spoiled talaga si Kurt dala dalawa ang sa kanya. Ako naman na ang pumili ng kila Mommy, Tita, Celine. Sa mga kaibigan naman namin ay kami ng dalawa. Bumili siya ng mga snack na puede ding pang pasalubong. 


"Ikaw lang naman uubos niyan" sabi ko habang nag babayad


"Ang kapal mo. Pustahan ikaw unang may bubuksan jan" sagot niya pabalik sa akin "Bili din tayo ng satin syempre. Tayo 'yung andito tapos wala tayo?"


"Balik muna kaya tayo?" ang dami na kasi naming bitbit


"Bakit?"


"Ang dami na nito eh" sabi ko sa kanya "Baka nga magbayad pa tayo sa airport, sa sobrang dami nito"


"Kayang kaya 'yan ng muscles ko" nag flex pa nga "Edi magbayad anong problema don?"


"Sobrang dami mong pera eh 'no"


"Hindi naman, niniyayaan lang talaga ako"


Ayaw niya naman na bumalik pa kami ng hotel room kaya nagpatuloy nalang kami sa pamimili. Kanina naman hindi siya masyadong maarte pagdating sa pagpili ng mga damit pero ngayong para sa amin na ang bibilhin ay sobrang arte na niya. 


"Ano bang gusto mong klase ng tshirt? Hypoallergenic ba dapat?" siya lang ang nakatayo ngayon ako naman ay nakaupo nalang, pinabayaan ko nalang siya na pumili kung anong gusto niya


"Oo dapat ganoon, non-tarnish, easy clean with toothpaste" seryoso niyang sinabi habang pumipili


"Gagu, hindi naman accessories bibilhin natin" parang siraulo talaga


"Ay hindi ba?"


Kahit hindi niya nakita ay napairap ako dahil kung ano ano na lang mga naiisip niya. Hindi ko ba talaga alam kung ano ang gusto niya na uri ng tshirt, kasi mga ilang minuto na ako na nakaupo ay naghahanap pa rin talaga siya. 

Highway Above Horizon (Road Trip Series #2)Where stories live. Discover now