CHAPTER 21

13 1 0
                                    

"Hindi ka ba tutulong sa pagsusukat?" lahat kasi sa team niya ay nagsusukat na pati si Sage, siya naman ay ginugulo ako ngayon. 


"Hindi. May sasabihin lang ako" tignan mo 'tong isang 'to nakangiti nanaman na para bang may ginawa ako na ikinatuwa niya "Isasagad na namin hanggang sa natitira na lupa niyo sa harap, tapos puede natin gawing garden 'yon. Or kayo may gusto ba kayo ipalagay doon?"


"Wala naman. Pero ang gusto ni Mommy lakihan living room at kitchen" sabi ko sa kanya "Saan ba kayo unang gagawa kung sakali?"


"Hindi kopa sure kila ENGINEER" at talagang tinigasan niya ang pagkakasabi noon "Basta pagkakuha ko noong sukat nila ako na bahal mag design. Huwag kana maarte kung ano idedesign ko ah, magaling naman ako eh" mayabang na sinabi niya


"Ah talaga" inirapan ko siya "Syempre patingin na muna ako" kailangan makita ko na muna ano


"Sige na nga" nag sketch na siya pero hindi naman bahay iyong dinadrawing niya


"Hoy! Ano 'yan?" kinuha naman sa kanya iyon. Hindi pa tapos pero kitang kita ko na maganda na ang nasimulan niya "Tingin nga! Ganda nito ah! Gusto ko ganito rin design ng bahay ko ah, pag nagpagawa ako" ang ganda kasi talaga


"Hoy, Attorney!" binawi niya na sa akin iyon "Bahay namin 'to. Si Cullen gagawa, kaya huwag mo gagayahin. Atsaka papagawa ka agad? Wala ka pa ng asawa" nang asar pa


"Hoy Architect, required ba pag nagpagawa ng bahay kailangan may asawa?" tinulak ko naman siya gamit ang isang daliri sa may noo niy

"Huy, I'm pregnant" madrama niyang sinabi "Oo naman. Kaya pakasal  kana or kayo"


"Gagu, bahala ka nga diyan" tumayo na ako para puntahan iyong mga nagsusukat na nasa kitchen, iniwan ko naman siya doon na tinuloy na ang ginagawa


Sumalubong naman sa akin si Engineer Peralta na ang dami paring energy. Kasama niya ngayon si Sage at may isa pa. Si Sage ngayon ang nagsusukat ang iba niya naman na kasama ay taga sulat ng mga nasusukat niya. Si Engineer Peralta naman ay mukhang taga ingay lang siya. 


"Hi, Attorney" oh diba ang dami niyang energy "Nagsusukat lang po kami"  humawak na siya doon sa ladder kung saan nakatayo si Sage. 


"Go lang. Chinecheck ko lang kayo" ngumiti ako sa kanya "Sabihin niyo lang pag may kailangan kayo ah, papakuha ko" si Engineer Peralta parin ang kausap ko dahil wala atang balak ako na kausapin ni Sage. Edi wag siya. 


"Engineer, ayusin mo hawak" sa wakas at nagsalita na rin siya 


Kumuha nalang ako ng maiinom sa ref habang pinapanood sila na magsukat. Kanina pa pala ako naktingin doon hindi pa ako mababalik sa wisyo kung walang hahawak sa likod ko. 


"Hi" bati sa akin ni David na ngayon ay nakapambahay lang at dala nag susi sa isang kamay tapos may hawak na dalawnag starbucks. "For you" binigay niya sa akin iyon


"Thanks" sabi ko at humarap na sa kanya "Kailan balik mo?" dahil ako matagal pa ako


Highway Above Horizon (Road Trip Series #2)Where stories live. Discover now