CHAPTER 33

6 1 0
                                    

"Lolo, may apo na kayo sa tuhod" sabi ni Sage "Sorry po mas mauna ah" sabi niya habang nakatingin kay Lolo


"Maiintindihan 'yan ni, Papa" bigla sumingit si Daddy "Tagal ko na naghihintay ng, Apo, sa Kuya mo eh"


"Dad!" saway ko


Buong gabi ay pinalalahan lang nila ako kung ano mga puede at hindi puedeng gawin, parang nagsisisi na ako na sinabi ko. Jusko po. Pinauwi ko naman si Sage noong gabi na 'yon dahil ayaw ko naman na lagi nalang siyang nandito at nagaadjust para sa trabaho niya. Hassle pa kasi pag umuuwi siya ng umaga.


Kaya ang ginawa niya nalang ay hinintay niya muna ako na makatulog bago siya umalis. Medyo late na tuloy siya nakauwi. Paggising ko ay nakita ko naman ang dalawang text niya. Iyong isa ay nakauwi na daw siya at ang isa naman ay papunta na daw siya sa trabaho.


Nakasuot ako ulit ngayon ng white tshirt at pants. Pagkababa ko naman ay nakita ko si Kuya na nakatulog na ata sa sofa, magka cross ang kamay sa dibdib at nakalaylay na ang ulo. Wala pang mga tao dahil maaga palang.


"Kuya" ginigising ko na siya ngayon "Akyat ka na, ako na dito" sabi ko pagkakita ko na dumilat ang mata niya


"Sorry, nakatulog ako" sabi niya sa akin at natulog "Akyat na ako ah" paalam niya


Tumango nalang ako sa kanya.


"Manang, si Kurt po? Nakapasok na po?"



"Kanina pa" sabi niya sa akin "Kumain ka na muna, ipaghahanda kita" bago pa ako makapagsalita ay tumalikod na siya at pumunta na sa kitchen


Pinuntahan ko muna si, Lolo, at nag pray bago ako ulit umupo sa sofa. Bumaba na din naman si Mommy na kakaligo lang din. Kaya sabay nalang kami na nag breakfast.


"Si Daddy po?"


"Tulog pa. Napagod 'yun sa byahe nila ni Papa"


Dumating na din naman ang iba naming kamag-anak, ilang oras lang pagkatapos naming kumain. Pati ang iba kong mga kaibigan ay duamting na din. Nagtuloy-tuloy na 'yon hanggang sa hapon.


"Condolence" si Veronica


"Musta?" tanong ko sa kanya pagkaupo namin


"Ayos lang. Anong 'yang tono mo? Para akong namatayan ah"


"Siraulo ka"


"Hello!" masaya na sinabi ni Sage at hindi sa akin dumeretso kay Charles


Hindi pa siguro siya nagbibihis dahil naka maong pants at iyong white polo niya na laging sinusuot ang suot niya ngayon. Hindi nanaman siguro siya umuwi dumeretso siya agad ito, sigurado ako.


Si Veronica na muna ang kinausap ko. Sila kasi ang huli na duamting sa mga kaibigan ko. Si Sage naman ay hinid pa rin ako pinupuntahan, bahala siya diyan nawili na. Hindi na rin naman nagtagal at umuwi na rin sila. Kaya napansin na rin niya ako.


"Hi"masaya niyang sinabi sa akin at hinalikan ang noo ko "Cute 'no?"


"Sus" umupo na siya sa tabi ko "Dumeretso ka dito 'no?"


"Oo naman. Mga relatives mo?" nakatingin siya ngayon sa mga tao na nakaupo sa medyo harap


"Oo. Ang dami namin 'no?"


"Tayo din magpapadami" tignan mo 'tong siraulo na 'to


Bago umuwi ang mga relatives ko ay pinakilala ko na muna si Sage sa kanila. Hindi ko na muna sinabi sa kanila na buntis ako dahil baka ako nalang ang pagtuonan nila ng pansin kaysa ang wake ni, Lolo. Kilala ko na sila.


Highway Above Horizon (Road Trip Series #2)Where stories live. Discover now