CHAPTER 23

8 1 0
                                    

"Bro, sino 'yan?" kanina pa kasi may tinitignan 'tong si Kenji sa cellphone niya "Patingin" walang sabi-sabi at kinuha ko na sa kanya cellphone niya


Andito kami sa unit niya ngayon. Wala kasi ako magawa kaya ginulo ko nalang muna siya. 


"Ano ba!" masungit nanaman siya


Pagkatingin ko picture iyon ng dalawang babae tapos 'yong isa naka ateneo na jersey. Pota, si Isabel Suarez! 'Yung volleyball player!


"Sino 'to?" turo ko doon sa isang babae


"Wala, amin na" kinuha niya na sa akin pabalik cellphone niya


"Sino nga? Crush mo 'no?" tamang asar lang "Bakit kasama niya si Suarez?"


"Magkaibigan sila, bobo mo naman" patuloy niya parin na tinignan 'yung picture a parang pag tinitigan niya mag kakapera siya. 


"Weh?!" edi puede ko ma-meet si Suarez pag ganoon. 


Hindi lang pala kami hanggang 'meet' lang. Hindi ko naman kasi inakala na magiging magkaibigan kaming dalawa ni Kali. Pag tinignan mo kasi siya pag naglalaro parang tiger na galit na galit. 


Kaya isang araw dumayo pa ako sa Ateneo para lang mainvite siya sa birthday ko. Nirason ko nalang ang pag morning jog para lang makapunta ako doon. Edi sakto din ang dating ko dahil ginagawa din nila ang morning jog nila.


"Wait. Punta ka sa party ko" iyon naman talaga ang pinunta ko dito muntik ko pa makalimutan, biruin mo kasi, bro, si Suarez iniinvite ko nalang saa party ko. 


"Ay hindi ako adik" pota mukha ba akong nag d-drugs?


"Baliw, party as in, birthday party" nababaliw ko na rin si Suarez, pare. "Sa saturday"


Mukha ba talaga akong adik? Sa pogi kong 'to? Adik? Hindi ako ganong klase na tao. Umiinom tsak ang s-smoke pero minsan lang naman smoke. Pero 'yung drugs? No way. 


Hindi ko sisirain buhay ko para lang sa pansamantalang pasarap. 


"Oh, sure" ayan!


Kanina ko pa inaantay na pumayag siya. Kaya hanggang sa mag saturday lutang ako dahil hindi ko parin maisip na pupunta siya sa party ko. Pero nalaman ko na may game siya bago party ko, kaya nanood ako ng game. Lagi naman eh.


Pagdating niya doon sa party parang gusto ko nalang paalisin iba pang mga bisita tapos ang matitira nalang sila Kenji at siya. Parang okay na ako pag ka ganoon. Si Suarez ba naman kasi talaga pumunta sa party, bro!


May dumating na ibang friends ni Lorraine. Wala naman na ako pake doon, bahala sila jan. Kaya na nila 'yan matanda na sila. 


"Oh, shit!" madami pa akong iba na regalo na andoon pero solid 'tong regalo niya "Gago, ito 'yung latest na game!" 

Highway Above Horizon (Road Trip Series #2)Where stories live. Discover now