CHAPTER 2

14 2 2
                                    

"Ang bagal mo!" hinihingal na sinabi ko kay Jesseh. Ang bagal niya kasing tumakbo, kaya sinasabayan ko siya. Aartehan nanaman ako pag hindi ko sinabayan eh. 


Andito kami ngayon sa oval for our morning jog. Monday ngayon kaya ganito kaaga ang training namin. Pagkatapos ng training namin ay wala naman akong pasok hanggang 9 am kaya makakapag breakfast muna ako. 


After 15 round ng pagtakbo namin sa oval ay tila na kami mga aso at hingal na hingal na. Lalo na itong katabi kong babae dito. 


"It's so init. I need tubig" maarte niyang sinabi


"Nye nye ang arte mo" sabi ko sa kanya bago iabot sa kanya noong tubig niya. 


Sanay naman na siya sa pang aasar ko sa kanyang ganyan. Wala naman akong pake doon. Basta mag kaibigan kami. Habang nag uusap kami ni Jesseh ay may nakita akong isang pamilyar na lalaki sa tumatakbo rin. Parang kasisimula niya lang. 


"Bei!" nagtaas siya ng kamay. 


"Uy!" tumayo na ako para malapitan siya. Iniwan ko muna ang mga teammates ko doon dahil tapos naman na ang gagawin namin. Atsaka pag andon kami baka pag isipan pa ng kung ano-ano.


"Bakit ka andito?" tanong ko sa kanya habang hawak ang towel ko na naka sakit sa leeg ko. 


Napukaw ng atensyon ko 'yong suot niya ngayon. Naka black shorts siya na hanggang taas ng tuhod at naka white nike sando. May suot rin siyang airpods sa kabilang tenga. Ang isang pares naman ay tinanggal niya ng makalapit ako sa kanya. 


"Tumatakbo malamang" pilosopo niyang sinabi sa akin


"Ay wow, kita ko nga" 


Noong kita namin ni Cullen sa club ay naging magaan ang loob ko sa kanya. Not in a romantic way pero mabait siyang tao. Naka vibes ko siya agad. Best friend type siya. Which is good. 


"Dito ko talaga gustong tumatakbo pag wala akong pasok, minsan naman ay sa UP. Malayo man pero narerelax ako eh." paliwanag niya sa akin


"Hindi ko naman tinanong" sabay tawa "Joke lang. Sige balik na ako doon, baka hinahanap na ako ni coach"


"Wait. Punta ka sa party ko"


"Ay hindi ako adik" sabi ko sa kanya


"Baliw, party as in, birthday party." humalakhak siya "Sa saturday"


Pahiya ako doon ah. Malay ko ba kasi kung anong klaseng party 'yon. May mga nagyayaya minsan ng party pero hindi naman talaga party ang meron doon sa lugar na pupuntahan. Ilang beses na akong naloko niyan. Pero nakakatakas naman ako agad. 


"Oh, sure" tumawa nalang ako para hindi awkward "Sino pa ba kasama?" 


Highway Above Horizon (Road Trip Series #2)Where stories live. Discover now