CHAPTER 14

4 1 0
                                    

Andoon na muna ako sa condo ni Lorraine hanggang sa medyo naging okay na si Kenji. Hanggang sa nag 4th year andoon ako sa kanila. Wala naman kasing pakialam na sila mommy doon. Basta daw maayos and grades ko. Ayaw ko kasi na maiwan mag isa si Lorraine doon sa condo niya. Baka kung ano ang maisip niya na gawin habang hinihintay niya si Kenji. Ayaw ko naman na mangyari iyon.


Pagkatapos ng graduation ko ay kasama ko sila mommy at daddy. Syempre sila Kuya rin at Kurt. Hindi naman nakauwi si Lolo dahil may inaasikaso siya doon sa firm. Pero tinawagan niya naman ako, nagpadala din siya ng gift.


Nag dinner kami pagkatapos noong ceremony ng graduation ko. Kami kami lang na family na muna ang nag dinner. Hindi na muna ako nag sama ng mga kaibigan iba nalang siguro ang celebration na kasama sila.


Ang puwesto namin ngayon dito sa private room nitong restaurant kung saan kami kumain ay si Daddy ang sa gitna. Sa dalawang gilid niya naman ay si Mommy at Kuya. Katabi ko si Kuya ngayon. Si Kurt naman ay nasa tabi ni kuya.


"Kali" hinawakan ni mommy ang kamay ko. Mukhang alam ko na kung ano nanaman ang sasabihin nila sa akin "Tinakbo ang lolo last week sa hospital" malambing na sinabi sa akin ni mommy


What?! Iyon ba ang dahilan kung bakit hindi siya nakauwi? Fuck! Ano lahat nalang.


"What happened?" pinilit kong maging kalmado pero nanginginig ang boses ko


"Highblood and inatake siya ng vertigo niya" sabi sa akin ni daddy "Kung hindi pa siya itinakbo sa hospital ay hindi pa namin malalaman na madalas na pala siyang inaatake ng vertigo niya" malungkot na paliwanag ni Daddy


"Andoon ang Tito Bong mo ngayon" si mommy naman. Pagkatigin ko kay kuya ay kita ko na sa mga mata niya na alam niya na nangyari na ito "Kailangan ni Papa bantay niya doon. May private nurse na din siya pagkauwi ng bahay. Pero ayaw niya pumayag na wala siyang kasama na kamag-anak niya doon"


"Kamusta po ang lagay niya ngayon?

"He's fine. Pero kailangan niya muna magpahiga na muna doon sa hospital" si Daddy naman ngayon "Kali, kailangan ka ng lolo. Please, anak. Pumayag ka na doon ka mag law school"


Fuck. Si Lolo na ang usapan dito ngayon. Hindi ko naman puede isipin na ang iba kung si lolo ang may kailangan sa akin doon. Pupunta ako doon pero hindi pa ngayon, gusto ko pang gamitin ang last playing year ko. Hindi ko pa nabbaalik sa Ateneo ang korona. Pangako ko sa sarili ko na ibabalik ko iyon.


"Pupunta po ako. Doon po ako magaaral. Pero sana po hayaan niyo po ako na gamitin ang last playing year ko" I negotiated


"Titigil ka ng isang taon?" tumaas na ang boses ngayon ni Daddy


"Yes, dad. Iyon na po ang desisyon ko. Kung ayaw niyo po tanggapin wala na po kayo magagawa sorry po"


"Ipangako mo sa amin, anak" sabi ni mommy. Mukhang kumbinsido naman na si Mommy.


"Yes, mom" ngumiti ako kahit alam ko na masakit.


Masakit man pero kailangan ko mag aral doon para kay lolo. Hindi lang para sa akin ang pag punta ko ngaon, para na sa kanya.


Pagkatapos noong dinner na iyon ay iniisip ko parin kung paano ko sasabihin sa kanya. Lalo na sa kanya. Ngayon pa nangyari 'to kung kailan medyo nalilinawan na ako. Wala pa ako nabubuo na ideya sa ulo ko kung paano ko sasabihin sa kanila.


"Uy, seafood" excited na sinabi ni Sage.


"Uy, magpapabalat siya" kinuha ko na agad ang seafood niya doon sa plato niya. Sa akin niya rin naman ipapabalt iyon.


Highway Above Horizon (Road Trip Series #2)Where stories live. Discover now