CHAPTER 15

9 0 2
                                    

"Huwag kana umiyak, mukha ka na tuloy pusa" sabi niya sa akin habang nakayakap parin "Bawi ka nalang next game. Manonoood ako."


Kumalas na ako sa pagkakayakap dahil ngayon ko lang naisip na amoy pawis pala ako. Hinalamos ko muna ng palad ko ang mukha ko dahil baka ang pangit ko kapag umiiyak.


"Tingin nga" humawak siya sa palapulsuhan ko at pilit na tinatanggal


"Huwag na!" sigaw ko sa kanya


"Dali na" pilit niya parin na tinatanggal "Oh ayan huwag kana umiyak. Nonood ako next game. Promise" nag 'promise sign' siya sa akin.


"Wala na talo na" malungkot na sinabi ko sa kanya


"Hoy ikaw bata ka!" tinuro niya ako "Hindi kita pinalaki para sumuko agad ha!" napangiti naman ako sa ginawa niya "Uy tumawa siya"


"Basta manood ka nalang next game" kailangan andoon siya next game


"Bakit namiss mo ba 'ko?" pinagtaasan niya ako ng kilay


"Oo" tumingin ako sa kanya. Pero narealize ko na masyado pala akong naging matapang doon "Syempre joke lang. Hindi 'no, asa ka. Libre mo nalang ako ice cream" kinuha ko na ang gamit ko at hinila na siya palabas ng gym.


Hanggang ngayon hindi ko parin talaga alam kung paano sasabihin sa kanya. Parang hindi ko kaya na sabihin sa kanya na aalis ako.


Siya na ang pinagdala ko ng gym bag ko, willing naman siya eh. Sabi ko sa kanya na dalhin na muna namin iyong gym bag ko sa sasakyan ko bago kami lumabas ng Ateneo. Babalik din naman kami dito mamaya, andito kotse ko eh.


"Kita ko mga galaw mo kanina eh. Ganto oh" tumalon naman siya na parang nag block.


"Paano paano" inuuto ko lang naman siya, uto-uto eh. Ginawa niya naman ulit "Paano ulit iyong quick?" iyon naman ang pinagawa ko sa kanya.


"Weh? Ayaw ko na" tumigil na siya napansin niya na siguro na nang uuto na nga ako "Basta manonood ako ng next game, okie?" nag thumbs up siya sa akin


Pumunta nalang kami sa cafe malapit lang naman dito sa Ateneo. Hindi naman na kami nag kotse dahil nga malapit lang. Kaya ayan lakad lakad lang kami, buti nalang at gabi na hindi ganoon ka init at nakakapagod.


"Libre mo ako ah" sinuntok ko ng mahina ang braso niya


"Susuntok suntok ka pa diyan. Gusto mo lang naman mahawakan muscles ko" itinaas niya iyong tshirt niya at mas nakita ko ang biceps niya. Saan kaya siya galing? Sa condo lang siguro dahil naka maong shorts lang naman siya at white tshirt. Syempre suot niya parin iyong gold necklace niya.


"Asa ka" inunahan ko siyang maglakad.


Mabilis lang naman kami na nakarating doon sa cafe. Wala na masyadong tao doon dahil nga gabi na rin naman. Ako nalang ang pinag order niya at binigyan niya ako ng pera. Hindi niya naman daw kasi alam ang mga masasarap na pagkain dito. Sabihin ko sa ako eh. Char.


Umorder nalang ako ng tig isa namin na crepe. Hindi na ako umorder ng coffee namin dahil gabi na rin naman. Buti sana kung may pupuntahan pa kami pagkatapos nito. Hot choco nalang ako inorder namin para sa aming dalawa.


"Ano iyan?" tanong niya sa akin pagkadating ko sa lamesa namin


"Edi pagkain" balasubas na sinabi ko sa kanya


Pagkatapos namin kumain ay hindi pa ako agad agad na umuwi. Nag aya pa siya na iikot ko daw siya sa buong Ateneo. Habang naglalakad kami ay ineexplain ko na rin sa kanya kung anong mayroon doon o anong nangyari. Hindi ko alam kung nakikinig ba siya o ano eh. Nang napagod kami pareho ay napagdesisyunan namin na umuwi na.


Highway Above Horizon (Road Trip Series #2)Where stories live. Discover now