CHAPTER 32

6 1 0
                                    

Hinihintay nalang namin ang pagdating ng bangkay ni Lolo. Pagkatapos namin na malaman kung ano ang nangyari ay agad agad namin na inasikaso ang paguwi ng bangkay. Si Daddy ang kasama pauwi, iyong iba naming kamag-anak siguro ay uuwi nalang ng hiwalay.


Biglaan iyong atake sa puso ni Lolo, sabi nila ay hindi na daw kinaya ng katawan niya. Malakas pa naman siya kapag tinatawagan namin, bigla bigla nalang talaga ang nangyari. 


Hindi ako iniwan ni Sage lagi niya akong sinasamahan. Hindi ko pa natatanggap ang nangyari masyadong mabilis. Nalulungkot din ako para kay Sage na gustong gusto makita si, Lolo. Siya ba naman kasi ang laging tinatawagan ni Lolo, napalapit na rin talaga silang dalawa. 


Si Kuya naman ay umuwi na rin muna dito sa bahay. Nagulat din siya sa nangyari dahil nga lagi din siyang tinatawagan ni, Lolo at malakas pa siya. Si Kurt ay ayaw pumasok gusto niya daw abangan pagdating ni, Lolo ngayon hindi naman puede iyon kaya ang sinabi ko nalang ay mamaya nalang paguwi niya.


Pinatigil ko na rin muna ang rennovation ng bahay dahil mas gusto na dito nalang ang wake ni, Lolo. Tapos na din naman ang baba na part ng bahay, pagkatapos nalang siguro ng libing ni Lolo atsaka iappatuloy iyong taas. Puede din naman doon sa chapel ng funeral pero naisip ko na masyadong malayo sa lahat kaya mas mabuti na dito. 


Habang hinihintay ay naligo nalang muna ako. Habang naliligo ay katawagan ko si Lorraine. Pinatong ko nalang cellphone ko sa lalagyanan ko ng mga skincare ko para makausap ko siya ng maayos. 


"Baka bukas pa kami makapunta ah" sabi niya "Pupunta naman si, Cullen, diyan 'di ba?" 


"Oo, mamaya siguro o baka andiyan na pagkatapos kong maligo" medyo sumigaw pa ako dahil baka hindi niya marinig dahil sa shower. "May tanong ako" 


"Ano?"


"Ano nararamdaman mo bago mo nalaman na buntis ka?"


"Oh my god!" tumili pa siya "Don't tell m-"


"Hindi' pinutol ko na agad siya dahil alam ko na ang iniisip niya "Bawal magtanong? Gaga ka"


"Ah. Basta bigla bigla nalang sumasakit ulo ko ganoon tapos 'yung mga pagkain hindi ko masyado nagugustuhan. Pati pala naduduwal ganoon"


"Ah bakit pa tumigil?" pang aasar ko sa kanya


"Sana mawalan ng tubig pag napunta sabon sa mukha mo" inis na sinabi niya 


"Sige na, tawagan ko lang si, Sage, papabili lang ako" sabi ko sa kanya at binaba na


Siguro naman hindi dahil sumasakit lang naman ang ulo ko. Baka dahil lang talaga sa trabaho, assumera lang talaga din siguro ako. Iinom nalang siguro ako ng pang sakit sa ulo at vitamins. Habang nag ri-ring ay nagbanlaw na ako. 


"Why? Paalis na ako, anjan na ba?" tanong niya sa akin


Highway Above Horizon (Road Trip Series #2)Where stories live. Discover now