EPILOGUE

9 1 0
                                    

"Kuya kuya kuya" sigaw ni Celine


Andito kasi ako sa bahay namin ngayon, bumisita lang. Wala naman akong trabaho kinabukasan kaya naisipian ko na dito na muna ako tumuloy. Lagi nalang kasi ako mag isa sa condo.Kung hindi siya umalis sana magkasama na kami sa isang bahay ngayon. Sana...


"Ano?" tanong ko sa kanya habang nakahiga


Nasanay na kasi siya na papasok nalang sa kwarto ko kapag andito ako.


"Sama tayo kila kuya Kenji" sabi niya sa akin


"Saan naman?" atsaka bakit si Kenji kasama?


"Sa airport. Dadating si ate"


Kahit hindi niya pa nasasabi kung sino ang 'ate' na tinutukoy niya ay kilala ko na. Dadating na siya? Buti naman naisipan niya pang umuwi. Huwag niya lang talaga na uuwi ng merong kasama baka makabugbog ako ng tao.


"Ayaw ko. Madami akong ginagawa" baka ayaw niya na makita ako


"Weh? True ba 'yan? Dali na alam kong gusto mo rin. Susunduin lang naman"


"Kailan ba?" kahit kailan pa 'yan sasama ako


"Bukas nga" bakit siya pa naiinis?


"Okay" maiksi lang ang sagot ko pero grabe naman ang saya ko dahil makikita ko na siya ulit


Sinadya ko talaga na magdamit nang pangtrabaho para hindi naman halata na pinaghandaan ko. Kunwari galing lang ako ng trabaho para 'di masyadong halata. Buong araw lang ata kinabukasan ako nag hanap kung ano ang isusuot ko.


"S-sage" for years ngayon ko lang ulit narinig 'yang pangalan ko na 'yan na masaya ako


"Kali" lumapit na ako sa kanya para makapag-beso


Kahit pawis na pawis na likod ko naglakas loob ako para malapitan siya. She looks so professional. Kaya hangga't maaari ay ganoon din ako. Kaya hanggang sa nakarating kami sa restaurant ay hindi nalang ako umimik baka kung ano pa ang masabi ko. Dahil nga hindi naman ako makatanggi kay Celine ay hanggang sa bahay nila ay sumunod kami.


Sobrang pormal ng pakikitungo namin sa isa't isa kaya pinanatili kong maging ganoon ang trato ko sa kanya. Mukhang ayaw niya akong makausap dahil halata naman na ayaw niya ako na malapit sa kanya. Siya nga 'tong umalis eh, nagtampo lang naman ako hindi na ako tinawagan.


Tuwing nagkikita kami ay tanging pagtitig lang sa kanya ang nagagawa ko. Mas gusto ko pa na mas malapit pa doon. Gusto kong mag isip ng paraan para lang mas makalapit pa sa kanya. Makalapit man lang sa kanya ayos na ako doon. Alangan namang makipaggaguhan ako para makulong tapos kukunin ko siyang abogado ko. Mukha naman akong gago 'non. Minsan nagkakasabay kami pero wala namang pansinan.


"Hoy may project" sabi ni Lorraine kakapasok lang sa office ko


"Anong project may mga ginagawa pa ako ngayon eh. May isa akong project pa na tinatapos"


"Ay ayaw mo? Bigtime pa naman 'to. Abogado" sabi niya at lalabas na ng office ko


"Sino ba?" basta abogado talaga usapan


"Sasabihin ko pa ba?"


"Sige, email mo sa akin details" napakabilis nga naman


"Rupok all the way" sabi niya at tuluyan ng lumabas


Sinend din naman sa akin ni Lorraine ang details ng gagawin. Bakit pa kailangan i-rennovate ng bahay nila? Maayos naman eh. Kung hindi lang utos sa kanya ng mommy niya 'to baka isipin ko na ginagawa niya lang na excuse ang pagpapagawa para lang makita ako.


Highway Above Horizon (Road Trip Series #2)Where stories live. Discover now