CHAPTER 9

7 1 0
                                    

"Ano?" bago ko pa mabuksan iyong pintuan ko ay tumawag na si Sage. 


"Sabi mo maglalaro tayo pagkatapos ng hiking" tunog dismayado ang boses niya ngayon


"Next time nalang. Pagod na ako" totoo naman kapag ganoon ang nangyari ay sigurado pupunta kami sa condo niya syempre. 


"Ang daya amp, pag hindi ka pumayag ka hindi kayo mananalo next game" pagbabanta niya sa akin


"Ayaw ko nga, may gagawin ako" may readings pa ako 'no. 


Hindi niya na ako kinulit pagkatapos noon. Kaya naligo na muna ako para maaliwalas ang pakiramdam ko habang nagaaral. Balak ko rin mag workout mamayang hapon, wala naman akong gagawin eh. 


Buong atensyon ko ay nasa libro na ngayon. Wala naman akong ineexpect na bisita ngayon pero bigla may nag doorbell. 


"Surprise!" malawak ang ngiti ngayon ni Sage


"Bakit ka andito?" siraulo na ata 'to eh


"Ayaw mo pumunta sa condo eh, so ako nalang"


"Umalis kana, busy ako" pilit kong tinutulak ang pinto para mapagsarahan siya pero nakaharang ang mga braso niya doon "Nag aaral ako, mangugulo ka lang eh"


"Hindi ah, nonood lang ako netflix, hinaan ko lang volume" at tuluyan na siyang nakasapatos. Naka slides nalang siya ngayon, pang bahay nalang din ang suot. May suot din siyang cap na patalikod niyang sinuot. Pero ang ipinagtaka ko ay bakit siya may dala supot?


"Ano 'yan?" turo ko doon sa supot na nilagay niya sa lamesa


"Hipon, lutuin mo mamaya yaya. Mag uuwi ako ah"


Nang tinignan ko iyon ay hipon nga may bawang pa at butter! Ano pumunta siya dito para ipaluto ito?


"San mo binili iyan? Buti alam mo bumili?" sabi niya kasi noon ay hindi naman siya nagluluto puro siya kain sa labas "Akala ko ba hindi ka nag g-grocery"


"Ano kala mo sa akin? Syempre nag g-grocery din ako. Nagluluto rin ako pero puro prito. Kaya lutuin mo na iyan kasi minsan lang ako makatikim ng lutong bahay" sabi niya at hinawakan na ang remote at tuluyan ng bumagsak sa sofa. 


Pagkatapos kong lutuin iyon ay hindi na muna kami kumain. Mamaya nalang daw sabi niya pagkatapos ng movie niya. Ako naman ngayon ay nagbabasa nalang. Tinupad niya naman iyong sinabi niya na hihinaan nia daw ang volume. Hindi nga malakas ang volume pero siya naman itong maingay. 


"Ayan sige! Patayin mo! Akala mo ha!" tinuturo niya na iyong mga character sa TV na parang maririnig siya ng mga iyon. 


Matalim ko siyang tinignan. Nakaupo siya ngayon sa isang dulo ng sofa. Ako naman ay nasa kabilang dulo pero naka patong ang paa ko sa iba pang space. Kaya madali ko naman siyang nasipa, sa hita lang naman. 

Highway Above Horizon (Road Trip Series #2)Where stories live. Discover now