CHAPTER 36

4 1 0
                                    

"Ano ba kailangan natin?" tanong niya sa akin


Andito kasi kami sa mall ngayon. 2 days nalang bago ang alis namin papunta ng batanes. Bigla bigla nalang siya na nagyayaya, kaya pala maaga niya akong pinauwi at siya rin ay maaga na umuwi. Mga 6 o'clock na ata ngayon. 


Dito na rin kami nag-dinner, dahil pagod na rin naman siguro kami pareho pag uwi. Hindi ko nga alam kung ano pa ang kailangan namin, at kung ano pa ba ang bibilhin namin. 


Parehas kaming naging busy sa trabaho at sa  itatayo namin na business. Lalo na ako dahil may inaasikaso pa na office. Si Daddy na daw muna ang magaasikaso sa office, sa bahay naman si Mommy na din. Sa busness naman namin ay hindi pa naman ganoon ka-busy siguro pagbalik namin ay ipapa-start na ni Sage ang construction ng business. 


"Ewan ko sayo, ikaw naman nagyaya sa akin dito" sabi ko bago sumubo


"Edi bibili tayo damit, bibili rin ako ng sandals para may isuot ako doon" paliwanag niya sa akin "Atsaka memory card pala. Alam mo gusto ko bumili ng airpods"


"Meron ka na ah" may ginagamit kasi siya na wireless na earphones kapag nage-edit "Gagastos ka pa" 


"Dali na, para level up rin ganoon, share naman tayo eh" pagpilit niya sa akin


Hindi rin ako nakalusot at hindi ko rin siya natanggihan siya naman daw ang bibili. Sobrang saya niya ng siya mismo ang nagbubukas ng airpods na bibilhin niya. 


"Baka umiyak ka ah" buti nalang at binigyan nila ako ng upuan dito kung saan nagbubukas si Sage 


"Thank you so much for this wonderful gift" sabi niya at pinunasan ng peke ang ilalim ng mata 


"Gago, ikaw rin bibili niyan eh"


"Hey, don't say bad words maririnig ni Baby"


Hindi niya na pinalagpas at sinuot niya na agad. Kaya hanggang sa pumipili kami pareho ng damit ay hindi niya ako naririnig. Pinabayaan ko nga, iniwan ko siya na pumipili doon habang suot ang kakabili niya lang. Parang siraulo naman kasi. 


"Bahala ka sa buhay mo" bulong ko habang tumitingin ng damit


"Bakit mo ako iniwan doon?" tanong niya sa akin


"Wala" masungit na sinabi ko sa kanya 


"Oh hindi na" nakita ko naman na dinisconnect niya na sa cellphone niya at nilagay ulit sa case


Bumalik din naman ako sa mood pagkatapos niyang tanggalin ang airpods niya. Namili kami ng kaunti lang na mga damit at sa sobrang kaartehan niya ay bumili siya ng sunblock namin pati moisturizer niyang sarili. Bumili pa nga siya ng isang box ng vitamins ko. 


Sinamahan ko rin syempre na bumili ng sandals niya. Sinabi ko rin na ako na ang magbabayad. Ang tagal niya nga lang na pumili kung ano ang kukunin niya. 

Highway Above Horizon (Road Trip Series #2)Where stories live. Discover now