CHAPTER 31

9 1 0
                                    

Tumuloy na kami sa reception pagkatapos ng ceremony sa church. Kahit ang reception ay sobrang ganda. Hinihintay nalang namin ngayon si Lorraine at Kenji ngayon nagpalit pa kasi si Lorraine ng mas komportable na long gown. 


Si Sage naman ay tinanggal niya na rin ang coat niya. Ganoon din naman si Kurt at Chad na mukhang naglalaro nanaman ata.


Nasa iisang table kami ngayon. Mommy, Kurt, Celine, Chad, Tito, Tita, Ako, at si Sage. 


"Bakit ang tagal nila?"" tanong ni Sage, naiinip na siguro


"Baka nag honeymoon na" tumawa ako


"Siraulo ka" napalitan naman ang init ng ulo niya ng tawa ngayon


Tubig palang ang nasa lamesa namin ngayon. Kahit nagugutom na ako ay hindi naman akong puede maging balasubas at magsimula ng kumain. Bigla namang tumunog ang cellphone ni Sage kaya napatingin kaming lahat sa kanila. 


"Si Lolo" sabi niya bago iyon sagutin.


Nagtatampo na talaga ako! Bakit siya nalang lagit tinatawagan? May number naman ako na nakasave sa cellphone ni Lolo ah!


"Po? Kamusta po kayo?" tanong ni Sage


Kinabahan tuloy ako dahil kapag mga ganiyan ay may hindi magandang nangyayari. Kaaya agad ko na sinabihan si Sage na i-loud speaker niya para marinig namin lahat kung ano ang sasabihin ni Lolo. Hindi pa naman masyadong maingay dito.


"Hello, Lo?" nilapag ko na iyon sa gitna "Ano po nangyari?" nagaalalang tanong ko 


"Nasa hospital ako ngayon, Apo. Pero huwag kayong magalala okay lang naman ako dito, nabigla lang siguro ako sa trabaho"  


"Bukas na bukas po magbo-book na po ako ng flight ko" sabi ko sa kanya 


"Ay naku! Hindi na kailangan, malakas pa si Lolo mo" tumawa naman siya "Ikaw dapat ang alagaan eh, masyadong kang nas-stress sa lahat. Engineer, alagaan mo 'yan"


"Ako pa ba, Lo?" mayabang na sinabi niya "Kahit mahirap paamuhin ako bahala diyan" 


"Hay nako kayong dalawa. Basta, Lo iyong mga gamot niyo 'wag niyo kalimutan inumin. Gusto niyo po ba makausap si, Mommy?" tanong ko sa kanya


Sumang-ayon naman siya sa akin kaya binigay ko na iyon kay Mommy. Sakto naman pagkabigay ko ng cellphone kay Mommy ay dumating naman na din ang dalawa. Si Lorraine ay naka maroon long dress na rin habang si Kenji naman ay hindi niya na suot ang coat niya. Habang ang kanina na puting long sleeves ay napalitan na ng maroon. 


Naging masaya naman ang gabi na iyon. Nagkainan, nagbigayan ng message kasama na kami doon. Basta ang sinabi ko ay magpakatatag sila dahil ang dami na nilang napagdaan alam ko na kung gaano nila kamahal ang isa't isa. 


Sage being Sage barumbado ang message niya para sa dalawa. Kung wala nga lang sigurong mga tao dito ay kanina pa siya nabatukan ni Kenji. Dahl alam naman natin kung gaano kasungit si Kenji.

Highway Above Horizon (Road Trip Series #2)Where stories live. Discover now