CHAPTER 12

5 1 0
                                    

"Umayos ka, tanga" sinampal ko ngayon itong lalaki na kasama ko dahil ang ligalig. 


Katatapos lang naman i-film iyong mukbang. Sabi ko ay magpahinga na muna kami, pero mapilit siya. Ngayon na daw para chill nalang daw mamaya. Gagayahin niya daw skin care ko pero ako rin pala ang gumawa sa kanya. 


"Aray! Hindi bola mukha ko ah" nakahawak siya sa mukha niya ngayon "Makahampas ka naman. Pabawi nga ako oh" aamba siya na sasampalin din ako


 "Oh sige" nilapit ko pa sa kanya ang mukha. Kala mo naman kaya niya. 


"Joke lang" pagbawi niya "Dalian mo na"


Pagkatapos namin mag film ay inedit niya muna ng kaunti ang video, bago niya ko hinatid pauwi. Buong araw nanaman kaming magkasama. 


"Huwag mo kalimutan next week ah, hiking and falls" paalala niya sa akin "Sabihan kita mamaya pag nag post na ako sa channel ko ah"


"Geh" maiksing sagot ko at tumawa bago lumabas


Hindi na muna ako nakaakyat agad dahil may kinuha lang at pinirmahan lang ako sa guard. 


"Sige, thanks kuya" sabi ko kay kuyang guard


Habang paakyat ako ay may dalawang tao na nakatayo sa may pintuan ko, kumakatok. Malayo palang ako ay kilala ko na kung sino ang mga iyon. 


"Mom, dad" bati ko sa kanila "Hi, Kurt!" masaya na salubong ko sa kapatid ko


"Where have you been, hija?" salubong sa akin ni daddy


"Jan lang po" totoo naman. Hindi naman sila magagalit kung sasabihin kong si Sage ang kasama ko pero baka kung ano-ano pa ang itanong nila sa akin. "Kanina pa po kayo?" 


"No, halos magkasunod lang" sabi ni mommy "Hindi mo ba kami papapasukin?"


Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Wala naman akong tinatago. 


"Nakapag enroll kana?" tanong sa akin ni mommy at umupo sa sofa


"Yes, mom. Last week po"


"Hija" si daddy naman ngayon "We're going to palawan next week, kasama namin ang mga Gonzales. Gusto mo bang sumama?"


"Hindi nalang po, baka may training na po kasi kami noon" bukod sa may training na ay may hiking kami noon. Hindi rin naman siguro sasama si Lorraine doon. Sila ata ang kasama namin eh. Kung hindi naman ay busy siya sa jowa niya.


"Kali, anak" malumanay ang pagsasalita ngayon ni mommy "Buo na talaga ang decision namin ng daddy mo na sa New York ka nalang magaral. Diba? Pagkatapos mong grumaduate puede mo na matulungan ang lolo mo sa firm natin doon."


"Mom," malungkot akong ngumiti "Madami po akong maiiwan dito. Paano po iyon kapag may nag offer sa akin na isang team sa professional industry? Sayang naman po iyon. Wala naman pong masama kung dito ako mag la-law school. Diba po?"

Highway Above Horizon (Road Trip Series #2)Where stories live. Discover now