CHAPTER 24

7 1 0
                                    

"Sinabi niya 'yon?" tanong ko sa kanya "Tinawagan kita 'non, pero hindi 'yon ang sinabi mo!"


"Bakit ka naniwala na kami nga talagang dalawa?" hindi pa rin bumaba nag boses niya "Ikaw, ikaw lang naman gusto ko" mas huminahon na ngayon ang boses niya "Hanggang ngayon. Tapos babalik ka may kasama ka ng iba"


"Sorry" ang bigat sobrang bigat kaya napaupo nalang "Natakot ako. Baka pag sinabi ko na gusto din kita, tapos hindi naman tayo pareho ng nararamdaman baka lumayo ka sa akin" 


Naramdaman ko naman siya na nag squat para maging magkapantay kami. 


"Hey" hinawakan niya ang dalawang palapulsuhan ko 


"Mahirap din naman iyong desisyon na ginawa ko. Ang gusto ko lang naman noon ay maintindihan mo ako. Pagkatapos ng tawag na 'yon nawalan na ulit ako ng gana sa buhay, kasi sarili kong kaibigan hindi ako maintindihan"


"Sorry, kasi naging selfish ako 'non. Andito na ako ulit, Kali, andito ka na ulit" lumipat naman ngayon ang kamay niya sa pisngi ko para maiangat ang tingin sa kanya 


Walang pag aalinlangan agad ko naman siyang niyakap na noong nakaraan ko pang pinipigilan na gawin. Agad din niya naman akong sinuportahan at pinulupot ang braso sa bewang ko. 


"I miss you" dahil doon ay mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. Parang ayaw ko nalang kumalas doon sa yakap niya. "Hanggang ngayon ikaw parin ang pipiliin ko sa araw araw"


"Hoy anong ginagawa niyo" panira talaga 'tong kaibigan ko, agad naman akong napakalas dahil doon


"Baby, bayaan mo na" kahit hininaan iyon ni Kenji ay narinig ko parin


Parehas na kami ngayon dalawa na inaayos ang sarili. Basang basa pa nga ang coat niya dahil sa pagiyak ko kanina. Sila Lorraine naman ay umalis na, bumalik na ata sa loob. 


"Let's go" pinauna niya na ako na lumabas


Ngayon hindi na tuloy ako makatingin sa kanya. Masyado kasing marami emosyon ang mata niya. Feeling ko ay halata na umiyak ako kaya humarap ako sa kanya. 


"Halata ba?" nahihiya kong tanong


Hinawakan niya nanaman ang pisngi ko. 


"Oo, pero ayos lang 'yan, maganda parin" tumawa naman siya 


Tinalikuran ko na ulit siya at nagpatuloy sa paglalakad. Nang medyo malapit na kami  sa table namin kanina ay nag init agad ang dugo ko dahil sa nakita kung sino ang andoon. Si Lorraine at Kenji. Katabi naman ni Lorraine ay si Kurt, sa tabi naman niya ay si Celine. Sa tabi naman ni Celine ay si Ada na ngayon ay matalim na nakatingin sa amin. Sa tabi niya ay may dalawang bakante na upuan. 


"Hayaan mo namuna, ako na ang kakausap sa kanya huwag na muna ngayon" hinawakan niya naman ako sa bewang hanggang sa makarating kami doon. 

Highway Above Horizon (Road Trip Series #2)Where stories live. Discover now