CHAPTER 6

9 1 3
                                    

alos one week din kaming hindi nagkita ni Cullen dahil parehas kami na busy. Siya school syempre, ako naman ay sa volleyball at school din. Iyong usapan namin na mag vo-volleyball kami ng sunday ay hindi ko alam kung matutuloy ba dahil wala naman siyang binabanggit sa akin.


Kaya halos buong linggo ay puro lang ako school at condo. Madami kasi kaming readings kaya hindi ako puedeng mag bulakbol. Nagyayaya naman sila Lorraine pero tinatanggihan ko iyon. Babawi nalang ako sa kanila next time. 


May klase kami ngayong sabado. Pero half day lang. Sa kalahating araw naman na matitira ay may laro kami. Kaya habang naghihintay ako sa pagdating ng shuttle namin papuntang arena ay tinapos ko muna ang mga readings ko. 


"Hoy Bei!" pagkahrap ko ay nakita ko si Jesseh na suot suot niya na nag shorts niya na panglaro mamaya "Tara na. Ikaw nalang hinihintay"


Tama nga siya at pagsakay ko doon ay halos sila ay andoon na. Mga teammate ko, mga coach. Natulog naman habang bumyabyahe kami papuntang arena. Kung hindi pa ako makakarinig ng notification mula sa cellphone ko ay hindi pa ako magigising. 


Notification iyon galing kay Cullen. Nagsend siya sa akin ng kanyang picture, na may hawak na mukha ko. Naka black shorts siya at naka white tshirt. Suot niya nanaman ulit iyong gold chain niya. 


_cullen

manonood ako, andito na ako. galingan mo ang pangit mo pa naman. 


Hindi nalang ako nag reply sa kanya. Kahit papaano naman ay napangiti ako noong dm niya sa akin. Kanina pa ako nas-stress, hindi ko alam kung bakit. Haanggang sa pagkapasok namin ng arena ay nakangiti ako. Kaya hindi ako nakasimangot sa mga nag papa-picture. May cookies nanaman ako na ibinigay nila. 


Kaya sa dug-out ay habang naghihintay kumain na muna ako. Nag share naman ako sa team, dahil masyadong marami iyon. Kung puede nga lang na matulog ako habang naghihintay ay matutulog talaga ako. 1pm pa kasi ang game namin. 


Pagktapos ng mga ilang oras ay nag ready na kami para sa game. Sa labas ng dug-out namin ay andoon na ang mga teammates ko at nag di-dig pass na sila. Kaya ganoon na rin ang ginawa ko. 


Ganoon parin, pagka-pasok namin sa court ay sumalubong sa amin ang ingay ng crowd, at cheer ng babble. Nag warm up na muna bago kami nagsimula sa game. Nagkamayan na muna bago nagsimula. Ganoon naman lagi eh. 


Sa first set ay nalalamangan kami ng UST. Kaya nag time-out na muna si coach. Habang naka time-out ay hinahanap ko si Cullen sa crowd. Nakita ko agad siya dahil nakiki "ONE BIG FIGHT" din siya. Nang magtama ang mata namin ay. 


"Mag smile ka!" sigaw niya at na smile ng malaki


Kaya pagkatapos noon ay mas ginanahan ako. 


"Let's go. First set palang naman eh, kaya pa natin iyan" I smiled para kahit papaano ay gumaan din ang loob nila. Iyon ang sabi ko bago kami nag huddle. Papunta kami sa court at nilapitan ko si Jesseh. 


"Hey, huwag ka kabahan" nag smile ako sa kanya dahil kanina ko pa siya nakikitang kinakabahan "Madami tayong spiker, si Pauline libreng libre sa sais, magbigay ka" sabi ko sa kanya hanggang sa nakarating kami sa court. 

Highway Above Horizon (Road Trip Series #2)Where stories live. Discover now