CHAPTER 4

9 1 0
                                    

Pagkasabi sa akin ni Cullen na mag hi-hiking daw kami ay todo research na ako kung ano ba dapat ang gawin kapag andoon na. Nanood na rin ako ng mga vlogs. Pati nga rin kung ano ba dapat ang mga isuot. Dalawa lang ang hoodie ko. Iyong iba ay puro warmer na at jacket na ng ateneo. 


Friday na ngayon. Napagisipan ko na rin bumili muna ng windbreaker. Mahangin doon syempre. Wala naman akong ganoon kaya bibili nalang ako. Hindi na ako nagpasama sa kahit kanino. Kadalasan kasi ay kasama ko iyong mga kaibigan ko o nagpapsama ako. Baka kasi kung ano ang isipin nila. Kaya huwag nalang. 


Ngayong friday ay wala kaming afternoon training. Dahil gym ang gagawin namin. Ganoon talaga lagi. Kung kailan maisipan ni coach na mag gym kami na team ay iyon ang gagawin namin. 


"Dagdgan mo pa 'yan Bei!" sigaw ni coach sa akin habang nag w-weights ako. 


Sinunod ko naman ang sinabi sa akin ni coach. Dinagdagan ko pa ang binubuhat ko. Katabi ko naman ngayon si Abbie. Mukha atang hirap na hirap. 


"Hoy ayusin mo yan" sabi ko sa kanya ng pabiro


"Teka lang! Ang bigat kaya" reklamo niya sa akin


"Buhatin mo yan oy! Ayusin mo" 


Mabigat man 'yong mga weights tinapos ko parin 'yong buong set. Pagkatapos noon ay core naman ang pinagawa sa amin ni coach. May isa pa kaming coach na kasam ngayon dito. Si coach Migs siya ang nagtuturo sa amin kung paano ang tamang pagbuhat. Si coach Dave naman ay siya ang coach talaga namin, andito lang siya ngayon para bantayan kami. 


2 years na rin akong naglalaro para sa ateneo. Masaya naman. Ang akala ko noong inassign ako bilang captain ay baka awayin ako ng mga seniors namin. Pero hindi mas naintindihan pa nila. Sobrang thankful ako. 


Mga 7pm natapos 'yong gym namin. Naligo muna ako bago umalis para pumunta sa mall. Naka shorts ako ngayon at white shirt lang. Naka white shoes lang din ako. 


Mabuti nalang talaga at may event ang mga professor bukas. Neexcite ako para bukas at the same time ay kinakabahan. Hindi kasi ako makaiwas na isipin na puede akong malaglag at kahit ano pa. 


Pagkadating ko ng mall ay medyo madami pa ang tao. Dumeretso na ako sa nike doon ko balak bumili. Walang tao dito. Bago pa ako makapunta sa section ng mga windbreaker, a pair of shoes caught my attention. Kaya chineck ko muna iyon. 


"Pota" nagulat ako sa presyo nito. Masyado siyang mura para sa itsura noong sapatos. Pero hindi ko na binili iyon, baka may magbigay pa sa akin. Haha. 


Pagkarating ko doon sa may windbreaker ay madaming pagpipilian. 


"Hoy!" may gumulat sa akin "Anong ginagawa mo dito?" nakakaasar na mukha ni Cullen ang nakita ko


"Edi bumibili tanga ka" umirap ako sa kanya 


"Ng?" tinignan niya iyong hawak ko 

Highway Above Horizon (Road Trip Series #2)Where stories live. Discover now