CHAPTER 30

12 1 0
                                    

Pagkatapos ng trip namin na apat ay bumalik ulit kami sa dati. Kami ni Sage ay nag trabaho na ulit, iyong dalawa naman ay syempre may mga school pa sila pareho. Hindi na ulit iyon nasundan, wala na kami time. 


Ngayon ay malapit na nila matapos iyong baba ng bahay. Baka pagkatapos ng kasal nila Kenji ay sisimulan na nila ang taas. Mas mabilis na silang nagtrabaho ngayon, mas mahaba na ang oras nila. Kaya minsan ay inaabot sila ng dinner. Dito na rin sila minsan pinagdi-dinner ni Mommy. 


Ako naman ay habang nagt-trabaho sila, nagt-trabaho din. Araw-araw ko rin na tinatawagan si Lolo. Minsan nga ay narinig ko sila na naguusap ni Sage, iyon din ang araw na hindi niya nasasagot dahil may iba palang kausap. Nakakapagtampo na, sinong apo?


Naging busy din kami sa pagsusukat ng mga damit namin para sa kasal nila. Dati pa naman kami nasukatan pero final fitting doon madaming naadjust. Hindi naman sa akin pero sa iba, pati na rin iyong pants ni Sage ay medyo pinalakihan niya pa. 


Ngayon ay susunduin niya ako dahil kukunin namin ang mga isusuot namin. Inutusan na rin ako ni Mommy at Kurt na kunin ang sa kanila dahil tapos na rin naman daw sila mag fitting. Sayang nga lang at wala si Daddy. 


"Pinalakihan ko pa ng onti iyong coat ko" sabi niya habang nagd-drive


"Ha? Bakit? Sakto na sayo 'yun ah? Pangit pag masyadong malaki, Sage" paalala ko sa kanya


"Alam ko, kaya nga isusukat ko eh" pilosopo niyang sinabi "Sila rin kukunin natin na bridesmaid at groomsman sa kasal natin" ayan nanaman siya, kasal nanaman ang sinasabi


"Tanga, hindi na sila puede 'non" yun ang alam ko mga hindi lang kasal ang dapat na kinukuha


"Bakit naman?" hindi ko nga sure "Puede 'yon close naman kami ni Father eh" pagbibiro niya


"Wow, ang galing mo talaga" sarkastiko akong ngumiti sa kanya "Wala pa pala tayo regalo" 


"Tayo?" lumingon siya sa akin at nakangisi "Share nalang tayo?"


"Oo ayaw mo?" 


"Gusto. Bigyan nalang natin sila ref" hindi ko alam kung seryoso ba siya o ano


"Seryoso ka ba? Kayang kaya nila bilhin 'yun eh" kahit ano siguro kaya nilang bilhin kaya ang hirap


"Alangan ikaw ibigay ko? Hindi puede uy! Sakin ka lang"


"Ha? Anong connect?"


"Kasi MAHAL kita" tinuro niya pa ako ang corny talaga nitong lalaking 'to pero hindi ko pa rin maiiwasan na kiligin dahil sa mga sinsabi niya


Hindi ko alam pero lagi niyang sinasabi sa akin ang kasal, hindi ko nga alam kung handa na akong makasama siya sa isang bubong. Hindi naman ayaw ko pero handa na ba ako sa mga responsibilities bilang asawa? Feeling ko kasi mabibigla ako kapag kasama ko na siya sa isang bubong. 

Highway Above Horizon (Road Trip Series #2)Where stories live. Discover now