Kenji Treyton Pov's
"ang aga aga Kenji nakaganyan yung muka mo?" ang laki ng problema ko hindi naman sa hindi ako marunong manligaw pero kasi nasanay ako na ako yung nilalapitan ng mga babae hays.
"eh kasi wag mokong pagtatawanan ah papatayin kita!"
"ano ba kasi yun?"
"pano manligaw?" tapos bigla nalang sya tumawa ng tumawa with matching hawak pa sa tiyan sabi nangaba tandaan hindi dapat sabihin kay Reggie ang nakakatawang bagay.
"seryoso? Hahaha wait lang Hahaha natatawa talaga ako." tapos tumawa sya ulit.
"tapos kana?"
"ok na ok na grabe ka pero sabagay wala kapa namang niligawan na babae no hmm pano ba patulong tayo sa kaibigan ni Brexley."
"pwede pwede sige papuntahin mo dito pero sabihin mo wag nilang sasabihin kay Brexley."
"o sige mamaya wag kanang sumimangot dyan nakakasira ng araw." grabe ang sama nya sakin.
"problema mo papa Kenji?" tanong ng kakadating palang na si Elora kung hindi kolang kailangan ng tulong nila titiisin konalang yung ingay nya.
"Papatulong daw sya sa inyo kung paano ligawan at pasagutin si Brexley."
"Napakahina mo naman pala Papa Kenji ligaw lang yan pero grabe ka kay Irene naku naku!"
"Daldal mo tulungan mo nalang ako sge na."
"pasalamat ka kung hindi nako nako!"
"Pano natin sisimulan?"
"ito na ang mission ligaw kay Aviana Brexley Dyosa." grabe talaga tong madaldal nato.
" 1.Huwag na huwag mong sasabihin kay Brexley kung pwede ka bang manligaw sa kanya. Pano kung sabihin niyang hindi pwede? Edi hindi ka pa man din nagsisimulang manligaw basted ka na. Mas mabuti kung dederetsuhin mo siya at sasabihin mong manliligaw ako sayo, kilalanin mo muna ako bago mo sabihing ayaw mo.
2.Gusto ng mga babae yung sinusurprise sila ok lang din kay Brexley kung hindi masyadong effort. Kahit hindi ka kagwapuhan, basta sweet ka, siguradong maiinlove siya sa’yo.
3.Alamin mo ang mga hilig niya kami nalang bahalang mag sabihin sayo kung ano yung hilig nya.
4.Ipakita mo na interesado kang malaman ang mga bagay na gusto niya. Huwag puro yabang. Be a gentleman.
5.Irespeto mo siya bilang isang babae. Wag mong ipbb teens agad.Kung manliligaw ka dapat isa lang. Hindi yung may nililigawan ka na, may reserba ka pa. Hindi pa nga kayo nanloloko ka na?Haranahin mo siya.
6.Old school pero one of the best way para pakiligin at iparamdam sa taong mahal mo na seryoso ka sa kanya at handa kang gawin ang kahit ano para sa kanya. Not because gwapo ka at alam mong gusto ka niya, magpapapetik-petiks ka na dahil kampante kang sasagutin ka niya.
7.Dahil kung hindi ka marunong mag-effort, mawawalan siya ng gana sa’yo.
8.Wag kang susuko kaagad. Kung marami kang kaagaw sa kanya, ipakita mong ikaw ang pinakadeserving na sagutin niya.
9.Wag kang mainip. Basta ipakita mong patient at sincere ka, sasagutin ka din niyan. Tiwala lang Papa kenji kaya natin to fight fight fight!" wow ang galing nitong si daldal huh daming alam.
"Basta tutulungan nyo ko ah galing mo talaga Elora!"
"basta para kay dyosang Brexley gagawin kuto malay mo dahil dito hindi sya maging cold."
"sabagay pero depende din thankyou ulit bukas na pala natin gagawin yung mga sinabi mo."
"naku walang ano man basta kung kailangan moko dito lang ako para kay Brexley!"
"Para kay Brexley operation ligaw!" tapos nag apir kaming lahat hay sana gumana tong plano namin para mapasagot ko si Brexley.
Biro man sa tingin nyo pero kinakabahan din ako first time koto no lahat naman yata ng nanliligaw kinakabahan baka kasi akala ni Brexley hindi ko totohanin yung pinagsasabi ko sa kanya hindi no! Basta sinabi ko gagawin ko syaka gusto ko naman talaga sya may spark talaga kapag kasama kosya ibang ibang kay Irene.
Naka moveon na kaya yun sabagay saglit lang naman naging kami.
Kaya koto fight for love Kenji!
To be continued. . . .