CHAPTER TWO
"Let's go, Gabbi!" EJ clapped his hands, motivating me.
Inirapan ko siya habang hingal na hingal akong umakyat sa bundok na 'to. Ang energetic niya habang ako parang anytime gugulong nalang ako dito pababa dahil sa pagod.
"Ang bagal mo naman." Pang-aasar niya sa'kin. Bakas sa mukha ko ang pagkapagod at nakatukod lang ang dalawang kamay ko sa tuhod ko at kahit papano humihinga pa rin naman.
"Shut up!" Singhal ko sa kanya at natawa naman siya.
This guy, really.
Umayos ulit ako ng tayo at sumunod sa kanya. Malapit na kami sa tuktok at proud naman ako sa sarili ko dahil kinaya ko.
"Ah!" Natapilok ako. "Malas naman, oh." Mahinang bulong ko habang nakatingin sa paa ko.
"Maganda ka nga, lampa na man." Pang-aasar ulit ni EJ. Parang anytime susuntukin ko na 'to.
"This is my first time hiking, kung hindi mo alam." I rolled my eyes at him.
He stifled a laugh.
"Dito." Turo niya sa likod niya.
"What's with your back, dumbass?" I tilted my head a bit to the side, curious.
"Piggyback ride." Turo niya ulit sa likod niya at umaktong umupo para mabuhat niya ako.
"What?" Gulat na tanong ko.
"Dali na." Naiinis na siya.
I gently moved closer towards him. Binuhat niya ako sa likod at hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang kamay ko. Should I wrap it around his neck or not? Maybe not.
"Umayos ka nga dyan." Reklamo niya.
"What now?" Inis na tanong ko sa kanya.
"Gusto mo bang mahulog dito?" Singhal niya.
Ano nanaman ba ang ginawa ko? Nag-stay put lang naman ako, ah!
"Wrap your arms around my neck, for support." He casually said, like it wasn't a big deal.
Ginawa ko nga ang sinabi niya but I feel a little akward. I can smell his manly scent. He smells good.
Ilang minuto ang nakalipas at narating din namin ang tuktok. Dahan-dahan niya akong ibinaba at inalalayan naman niya ako sa braso.
"You're heavy." He smirked.
Nakailang asar na siya ngayon sa'kin, ah! Makakatikim 'to ng sapak.
Oh, wait.
Ano bang nangyayari sa'kin? I was so kind to other people kahit sila hindi, pero, bakit sa kanya gusto ko siyang patayin? At nawawala pa ang poise ko kapag siya ang kaharap ko! I want to beat the shit out of him everytime he's teasing me.
Geez.
Hindi ko nalang 'yun pinansin at tumingin nalang ako sa paligid.
It's so beautiful.
Ang peaceful dito.
I can finally say, the climb is worth the view. I love it here.
BINABASA MO ANG
Last Summer
RomanceThe epitome of beauty and grace- Gabriella Venice Valentina, was devastated because she was deserted by a man, who loves no one but himself. Slowly, trying to cope up with a broken heart, she meets a guy who will heal her, then, break her. Will she...