19

62 4 0
                                    

CHAPTER NINETEEN



Naniniwala ako na wala sa distansya ang pagmamahal niyo sa isa't-isa pero hindi pa rin mawala sa'king sistema ang mga karanasan ko sa mga tao. Madalas kong nakakasalamuha ang mga taong sinasaktan ako at iniiwan. 


"He's leaving?!" Malakas na sigaw ni Savvy at napatakip kami ni Bella ng tainga. Sinabi ko sa kanila ang tungkol sa pag-alis ni EJ at maging sila ay nagulat sa balita. "Bakit?" Hindi pa rin maproseso sa utak ni Savvy. 


"Para sa future niya, Sav." Maiksing sagot ko. Hindi ko maiwasang manlumo dahil aalis si EJ kahit alam kong para sa kinabukasan niya naman 'yun. "Binigyan siya ng scholarship doon sa Cambridge University." Pag-detalye ko.


"Are you okay about this?" Ani Bella na nakakunot ang noo.


Tumango ako. "Oo naman.", Oo nalang.


Nakatitig lang ako sa kisame at malayo ang iniisip ko, I sighed heavily. Sigurado akong wala na kaming masyadong oras para sa isa't-isa dahil magiging busy na kami pero sana, sana magagawan namin ng paraan. We have to make this work. We will make this work. I can't lose him because of the distance between us. 


"Anak, nasa baba si Liam." Kumatok si Mama sa pintuan at pinikit ko ng mariin ang mga mata ko bago tumayo.


Mabilis nahagip ni Liam ang presensya ko at nakatitig lang siya sa'kin habang pababa ako ng hagdanan. Naglakad ako patungo sa kanya at pinilit ang sarili kong ngumiti. 


"Salamat nga pala kahapon, ah." Sabi ko sa kanya nang makalapit na.


"Walang problema 'yun." He chuckled. "Busy ka ba?" 


"Hindi naman. Bakit?" 


"May mini-reunion ang barkada natin noong highschool, eh. Hindi nila alam ang number mo kaya ako nalang ang sinabihan nila na isama ka." Ngumisi siya ng bahagya at hinawakan ang batok niya.


"Saan?" 


"Sa Boost Bar and KTV. Pinagpaalam na kita sa Mama mo." 


"Sige, Teka lang." Kinuha ko ang cellphone ko na nasa likod na bulsa ng shorts ko. Magpapaalam ako kay EJ. Tinext ko siya at sumang-ayon naman siya basta 'wag daw akong magpapalasing. "Liam, sasama ako." Nginitian ko siya bago umakyat sa kwarto para magbihis.

Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon