CHAPTER TWENTY
"Sige na, sabihin mo na sa'min kung sino ang boyfriend mo." Pagpipilit ni Ali. Nandito sila ngayon sa bahay namin kasi nabitin daw sila sa mini-reunion namin kahapon.
"Hindi niyo nga kilala, eh." Natatawang sabi ko at tumaas ang kilay ni Ali. "Promise. Hindi niyo siya kilala. Next time nalang."
"Sure kaba na hindi si Liam ang boyfriend mo?" Hindi pa rin tumitigil si Ali.
"Hindi talaga." Umiling ako na nakangiti.
Magsasalita pa sana si Ali nang bigla tumunog ang cellphone ko.
"Hello?" Mahina kong sagot.
[ Hi, Gabbi. Nasaan ka? ] Ani EJ.
"Sa bahay lang, love. Nandito kasi ang mga kaibigan ko sa'min, eh." Bulong ko para 'di marinig ni Ali.
[ Okay, po. Enjoy, love. Pupunta ako dyan sa city dahil may aasikasuhin ako para sa..pag-alis ko. Kasama ko sina Xavier at Jeremy. ]
May kaunting kirot sa puso ko nang sinabi niya ang mga salitang 'yun. Ngayon ko lang ulit napagtanto na aalis nga pala si EJ next month. Bumagsak ang mga balikat ko at pumikit ako.
[ Love? Are you still there? Hello? ]
"Ah, oo, nandito pa ako. M-may tinanong lang si A-ali." Pagsisinungaling ko.
[ Okay, sige na. I'll text you kapag nandyan na kami. I want to see you. ]
"Okay." 'Yan lang salitang lumabas sa bibig ko at binaba ko na ang telepono. Suminghap ako ng hangin bago bumalik sa kinauupuan ko kanina.
"Sino 'yun?" Tanong ni Ali na punong-puno ng chichirya ang kanyang bibig.
"Ah, boyfriend ko." Nahihiyang sagot ko.
"Oh, pupunta ba siya dito? Gusto namin siyang ma-meet, diba, guys?"
"Oo nga, Gab." Ani Ruben.
"Tingnan ko kung hindi siya masyadong busy." Kinagat ko ang labi ko at pinipilit ang sarili kong hindi manlumo.
Nagtatawanan na silang lahat samantalang ako ay nakayuko lang, malayo ang iniisip. Gusto kong manatili si EJ dito pero alam kong para sa kinabukasan niya 'yun. Ayokong manatili siya dito para sa'kin. I'll just be here for him and support him, that's all I can do.
Nagsidatingan ang iba naming mga kaibigan, pati na rin si Liam. Naupo siya sa tabi ko at nakikipag-usap kay Krist at Jigz.
Nagsasalin si Ruben ng inumin para sa kanila at mabilis nilang naubos ang dalawang bote ng Bacardi Gold. Natatamaan na sa alak sina Jigz at nagsasalita na sila ng kung ano-ano. Si Liam ay tumatawa habang nakapikit ang mga mata, natatamaan na rin.
Gusto ko sana ring uminom pero hindi ako papayagan ni Mama na malasing. Dapat daw kasi ang mga babae ay hindi mga lasinggera at walang bisyo. I call bullshit on stereotyping. Labag man sa kalooban ko ay sinusunod ko nalang.
BINABASA MO ANG
Last Summer
RomanceThe epitome of beauty and grace- Gabriella Venice Valentina, was devastated because she was deserted by a man, who loves no one but himself. Slowly, trying to cope up with a broken heart, she meets a guy who will heal her, then, break her. Will she...