CHAPTER THREE
Inilalayan ako ni Elijah makaupo at nahiya ako ng bahagya dahil nagulat si Abuela at ang parents ni EJ.
"Good evening, po." I greeted them and they smiled.
"Good evening, hija. Close na kayo?" Tanong ng mommy ni EJ.
I faked a laugh. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"EJ told us na pupunta kayo sa cold springs bukas?" Dagdag na tanong ng mommy niya.
Dito pala nagmana si EJ sa dami ng tanong.
"Postponed muna, mom." Biglang sabi ni EJ. "She's injured." He looked at me.
Oh, right. Natapilok nga pala ako. Sayang naman.
"Okay lang naman, eh. Hindi naman ganoon kasakit." I lied. I really want to go to the cold springs.
Tinaasan ako ng kilay ni Elijah.
"Oo nga." I tried to convince him.
"If you say so." He shrugged. "Wag ka magreklamo bukas, ah." He smirked and continued eating.
Gusto ko siyang tusukin sa mata gamit ang tinidor na hawak ko. Napakabully niya.
Hindi ko nalang siya pinansin at nagtuloy nalang kumain. Pagkatapos kong kumain, nagpaalam na ako para makapagpahinga dahil masakit talaga ang paa ko. Hindi pa ako nakaakyat sa hagdan ay may humatak na sa'kin.
Si EJ.
"Ano ba?" Inis na sigaw ko.
"Can you please stop shouting? Mukha naman kitang kinidnap niyan." Singhal niya.
"What do you want?" I crossed my arms over my chest.
"Piggyback." Turo niya sa likod niya. I tilted my head a bit to the side, looking innocent. Pinitik niya ang noo ko kaya hinampas ko siya ng bahagya sa braso at tumawa siya. "Wag kanang maarte, you're injured." He pointed out.
'Yun nga ang nangyari. Binuhat niya ako sa likod niya at umakyat na kami sa hagdanan. Narinig ko pa ang bulungan nila Abuela, shipping me with EJ. Ew lang.
"They look good together, noh?"
"I agree, hihi."
I just rolled my eyes and sighed.
I looked at EJ, struggling to carry me up the stairs.
I smiled when I saw that he has a dimple. I unconsciously poked his dimple at napalingon naman siya ng bahagya.
"Crush mo na siguro ako, noh?" Pang-aasar niya kaya kinurot ko ang pisngi niya at umakto pa siyang ilalaglag niya ako. Bully!
"Hey, stop!" Sigaw ko nang muntikan na akong mahulog.
Tumawa lang siya.
Nandito na kami sa tapat ng kwarto ko kaya binaba na niya ako.
"Good night." He smiled at me.
"Yeah, good night." Walang ganang sabi ko sa kanya at nakangiti siyang umalis.
I took a quick shower before sleeping.
I was about to get out of bed the next morning pero ang sakit talaga ng paa ko kaya bumalik ako sa pagkaupo.
BINABASA MO ANG
Last Summer
RomanceThe epitome of beauty and grace- Gabriella Venice Valentina, was devastated because she was deserted by a man, who loves no one but himself. Slowly, trying to cope up with a broken heart, she meets a guy who will heal her, then, break her. Will she...