29

65 5 0
                                    

CHAPTER TWENTY-NINE





"Ate, we are invited sa homecoming party ni Kuya EJ," Ani Savvy habang nakaupo sa kama ko habang ako ay nakadapa.


"Kailan?" Inangat ko ang tingin ko sa kanya.


"Tomorrow night..."


"I can't go. I already promised Ali and the others na magkikita kami." I shrugged. It's true, though. We already had plans and I can't bail on them. It would be rude. Hindi naman siguro maaapektuhan ang party ni EJ kung wala ako doon.


"Ate, are you over him?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Umayos ako sa pagkaupo at tiningnan siya.


"I am, Sav. But, the scar will forever be here." Tinuro ko ang dibdib ko. "It will remain that way."


"Okay. I'll tell them nalang na busy ka." She smiled and walked towards the door. "Good night!" Umalis na siya.


Naghilamos muna ako bago dumapa ulit sa kama. I was busy scrolling down my twitter feed when I saw Sage's recent tweet.


@_____sg: back to second best.



Kumunot ang noo ko sa tweet niya. What does he mean? Is he okay?


To: Sage

What's wrong, Alonzo?


I waited for his reply.


From: Sage

Don't worry about it, Valentina. :)


Sa dalawang taon na pagkakilala ko ni Sage, kapag sinabihan ka niyang 'don't worry about it', you shouldn't. He will talk about his problems if he wants to or hindi na niya kaya. I should give him his privacy.


Kinabukasan, tanghali na akong nagising. Buhaghag ang buhok ko habang pababa ako papunta sa kusina. Nasa sala si Bella, nanonood ng tv, si Savvy ay nasa kusina, nagtitimpla ng kape.


"Make coffee for me, please." Sabi ko kay Savvy. "Thanks." Nilapag niya ang mug sa mesa.


"Hindi ka talaga pupunta sa party?"


"Hindi talaga. I'll just pick you up there at 11." I assured her.


Mabilis ang takbo ng oras at naghanda na sila para sa party. Naghanda na rin ako sa lakad ko. I wore a white flowy dress ending above my knees, nakalugay lang ang buhok ko. Sage will pick us up today. We will drop Savvy and Bella at the party and we will be on our way to meet our friends.


"Dalian niyo na! Sage is here!" Sigaw ko sa kanila habang naglalakad papunta sa pintuan.


"You look.. mukha kang tao." Sage teased. Hinampas ko siya at umilag siya.


"Enjoy the party." Sabi ko sa kanila nang makarating kami sa bahay nina EJ.


Aalis na sana kami nang biglang kumatok si Savvy sa car window. I lowered down the window to talk to her.


"What?"


"EJ's mom wants to see you."


Nanlaki ang mga mata ko at nilingon si Sage. I bit my lower lip.


"I'll go with you.." Aniya at pinark ang sasakyan.


"Thank you." I smiled.


Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon