CHAPTER FOUR
After watching the horror film, umuwi na kaagad si Elijah. Pumasok ako sa kwarto ko para magpahinga.
Kahit anong gawin ko masakit pa rin.
I grabbed my phone to check my social medias and emails. I opened my instagram account and saw Liam's post— with a girl.
Nakaakbay siya sa babae at nakahawak naman ang babae sa bewang niya.
'City lights.'
That was his caption.
"Kailan ko na siyang kalimutan." Bulong ko sa sarili ko.
Nag-notify ang cellphone ko sabay pagpatak ng luha ko. Si Elijah.
From: Elijah
Stop overthinking.
'Yun lang ang sinabi niya. Teka, pano niya nalaman? May radar ba siya?
Hindi ko nireplyan si EJ at umiyak lang ako. Ang sikip ng dibdib ko ngayon. I'm like a drowning woman struggling to gasp for air.
Na-try niyo na bang umiyak na walang tunog? 'Yun bang umiiyak ka pero ayaw mong malaman ng ibang tao ang hinanakit mo. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil sa pag-iyak.
I cried myself to sleep, again.
Maaga akong nagising kinabukasan dahil nagutom ako. I forgot to ate dinner yesterday. Nagulat ako pagkarating ko sa kusina at nakita ko si EJ na nagluluto. Paano siya nakapasok dito?
He's topless while cooking at tanging apron lang ang nakatakip sa dibdib niya.
"Anong ginagawa mo?" Biglang tanong ko at bakas sa mukha niya ang pagkagulat.
"Good morning." He smiled shyly. "I cooked."
"And why exactly?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit? Bawal?" Pambabara niya sa'kin at tinaasan din niya ako ng kilay.
Umiling nalang ako at naupo sa dining table kung saan nakahain na ang mga pagkain. He cooked breakfast meals— tocino, egg, corned beef and rice. They look so delicious.
"Pwede na ba akong kumain?" I asked while drooling over the food.
"Here." Inabot niya sa'kin ang kanin at inilagay sa plato ko.
Kumain na ako at hindi ko maiwasang mapangiti, it's delicious. It has been ages since I've last eaten a breakfast meal that I enjoy and love.
"Masharap." Nakangising sabi ko sa kanya kahit puno ng pagkain ang bibig ko.
"Don't talk when your mouth is full."
Inirapan ko lang siya at nagtuloy kumain. I washed the dishes after eating.
"Magpalit kana doon. We're going somewhere." Biglang sabi niya at napalingon naman ako.
"Where?"
"Secret." Natatawang sagot niya.
"I'm not going unless you tell me where." Malditang sabi ko sa kanya.
"Secret nga, eh. Ano ba ang secret sa'yo?" Pambabara niya, nanaman.
Hindi nalang ako sumagot at umakyat na sa kwarto ko para maligo at magbihis.
BINABASA MO ANG
Last Summer
RomanceThe epitome of beauty and grace- Gabriella Venice Valentina, was devastated because she was deserted by a man, who loves no one but himself. Slowly, trying to cope up with a broken heart, she meets a guy who will heal her, then, break her. Will she...