CHAPTER TWENTY-ONE
"Nakakapagod naman 'tong pinapagawa ni prof." Pagreklamo ni Savvy. Nasa study room kaming tatlo ngayon para sabay kaming mag-aral. Bago pa lang binuksan ni Savvy ang libro niya ay nagrereklamo na siya.
"Tumahimik ka nga, Savannah!" Pagsaway ni Bella kay Savvy. Inilipat-lipat ko lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Ang ingay mo!" Palagi talaga silang nagbabangayan. Hays.
"Kung maingay ako, feel free to cut off your ears." Umirap si Savvy.
Aambang hahatakin ni Bella ang buhok ni Savvy ngunit napigilan ko. "Ano ba? Tigilan niyo nga 'yan! Hindi na kayo mga bata." Seryosong sabi ko at kumalma naman sila.
Nag-aral lang kami buong gabi at madaling araw na kaming nakatulog. Hindi sapat ang tulog ko dahil maaga akong ginising ni Mama para pumunta kami ng salon. Mamaya ay pupunta kami kina Liam para sa dinner.
"Ma, kailan pa ba talaga tayong magpa-salon? Eh, dinner lang naman 'to." Sabi ko pagkapasok sa van. Magkatabi kami ni Mama sa middle row habang si Savvy at Bella ay nasa likod.
"Of course. Kailan maging presentable ka doon."
Hindi na lang ako nagsalita at kinuha ko nalang ang cellphone ko para i-text si EJ.
To: Bully ♡
Good morning, EJ! We're on our way to the salon. May dinner kami mamaya kasama ang family ni Liam. I miss you!
'Yan lang ang message ko kay Elijah at itinago ko na ang cellphone ko.
"So, what's with you and that Elijah guy?" Biglang tanong ni Mama. Kung may tubig lang akong ininom ay baka nasamid na ako.
"Huh?"
"Do you like that guy? Are you together?" Seryosong tanong ni Mama.
Yes, ma. I like that guy, no, I love that guy. And yes, we are together. Gusto kong sabihin kay Mama ang totoo ngunit masisira ang plano ni Liam. Dapat sabihin na ni Liam sooner, I can't wait to be open about calling Elijah my boyfriend kapag tinatanong ako ng mga kakilala at kamag-anak namin.
"Yes, ma. I like that guy. He's good." I bit my lower lip.

BINABASA MO ANG
Last Summer
RomantikThe epitome of beauty and grace- Gabriella Venice Valentina, was devastated because she was deserted by a man, who loves no one but himself. Slowly, trying to cope up with a broken heart, she meets a guy who will heal her, then, break her. Will she...