16

70 7 1
                                    

CHAPTER SIXTEEN



Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Elijah. Napatalon ako nang umupo si Savvy sa tabi ko. Nakita ko ang pagkunot sa noo ni Savvy nang makita niya ang reaksyon ko.


"Anong nangyari sa'yo?" She asked while placing the food she got on the coffee table.


"Huh? Nothing." I answered at naningkit ang kanyang mga mata. "Wala nga." I denied, again.


"Okay." Nagkibit-balikat siya at kinuha ang remote sa gilid para i-play ang pelikula.


I was panicking while watching the movie. Elijah's coming and everything is still a mess here. I don't even know if my mom knows him or not. I was even more stressed out when I remembered the favor Liam asked.


"Ate, okay ka lang ba?" She paused the movie to look at me. She probably noticed how uneasy I was.


"Uh, kasi, ano, E-EJ's coming here." I said and pursed my lips. Her eyes glistened as she heard what I said, handang-handa ng mang-asar.


"OMG!" Tumili siya at hinampas ako sa braso. "He's coming?" Patuloy pa rin niya akong hinahampas ngunit biglang kumunot ang kaniyang noo. "Oh, shit. Paano si Kuya Liam?" Napamura siya nang ma-realize niya ang sitwasyon.


"Kaya nga nagpa-panic ako, eh." I bit my lower lip while glancing on my phone.


"I have an idea." Biglang sabi ni Savvy at naka-point pa ang index finger niya sa hangin. "I'll distract Kuya Liam, while you go hangout with Kuya Elijah, okay ba 'yun?"


"How the hell would you distract Liam?" Nagtatakang tanong ko sa kanya ngunit ngumisi siya.


"Ako na ang bahala basta sabihin mo na kay Kuya Elijah ang pabor na hinihingi ni Kuya Liam sa'yo, okay?" Bilin niya sa'kin at tumango lang ako. Gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko pero kinakabahan pa rin ako.


Kinakabahan ako dahil hindi pa lubos na kilala ni Mama si EJ at alam kong si Liam ang gusto niyang lalaki para sa'kin. Hindi kasi alam ni Mama kung gaano kagago si Liam at ang alam niya ay mabait si Liam at matalino.


I glanced back at my phone at tumunog iyon. Medyo nalungkot ako nang makitang kay Liam galing ang message ngunit binuksan ko pa rin 'yun.


From: Liam

I'm on my way to your house.


Napamura ako sa nabasa ko at kinalabit ko si Savvy para makita niya ang mensahe ni Liam.


"This is a mess, ate." Nakabuka lang ang kanyang bibig habang binabasa ang message. Bahagyang napahawak pa siya sa kanyang ulo.


Can't we just tell our parents the truth?


Kahit galit ako kay Liam ay gusto ko pa rin siyang tulungan. Alam ko ang feeling na may nadi-disappoint sa'kin at alam kong ayaw ni Liam ma- disappoint ang parents niya. Pero, ayaw ko ring makaramdam ng pagtatampo si Elijah sa'kin. I know I like EJ and when I like someone, I give them no reason to doubt what I feel for them.


Napatalon kami ni Savvy nang biglang bumukas ang pintuan dahil akala namin si Liam na o si Elijah, si Bella lang pala. Nakahinga kami ng maluwag at mukhang nagtataka si Bella sa inaasal namin ni Savvy.


Sumalampak siya sa amin sa sofa at humiga. Ang ulo niya ay nasa hita ni Savvy habang ang paa niya ay nakasabit sa hita ko.


"Damn jerk." Mahinang mura ni Bella at pinikit ang kanyang mata. As much as I'd like to ask her what happened, ayaw ko siyang kulitin lalo na't bad mood siya ngayon.


Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon