22

57 4 0
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO



Hindi na ako nakapagpaalam sa Mommy at Daddy ni Liam ay dumiretso na ako sa van. Galit si Mama sa'kin sa inasta ko ngunit parang nawalan ako ng pake. All I know is that I really have to tell Elijah what happened. Punong-puno ang aking isipan ng mga paraan kung paano ko sasabihin.


Nanghihinayang ako dahil tinanggap ko pa talaga ang pabor na hinihingi ni Liam. I can't believe my stupidity. Puro galit at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Galit ako kay Liam at kinakabahan ako sa maaaring reaksyon ni Elijah. I have to tell him in person. But, how?


"That was so disrespectful, Gabriella!" Hindi pa rin tumitigil si Mama. For once, I want to shut her. Gusto kong mawala muna kahit saglit lang at babalik nalang ako kapag okay na.


Hindi ako nagsalita at umakyat na patungo sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at kinagat ang labi ko nang makita ang dalawang mensahe galing kay Elijah at Liam. Binuksan ko ang kay Elijah at napangiti ako.


From: Bully

Mahal kita.


Mahal din kita, EJ. Please don't hate me after I tell you what happened earlier.


To: Bully

Can I see you when you're not busy?


Mabilis siyang nakapag-reply.


From: Bully

No need to ask, love. I can make time for you.


Nagwala na naman ang mga paru-paru ko sa tiyan at kumalabog ang aking dibdib. Damn, this man sure knows how to make my heart flutter.


Magkikita kami ni EJ this Thursday and I hope to tell him then.


Kinabukasan, tanghali na akong nagising. Pagbaba ko, nakita ko kaagad sina Bella at Savannah na kumakain, wala si Mama. Siguro may meeting or what.


"Anong nangyari sa'yo kagabi, ate?" Tanong ni Savvy.


"Wala." I looked down. I can't look them in the eyes when I'm lying, they'll know.


"May ginawa ba sa'yo si Kuya Liam?" Ani Savvy.


Umiling ako at hindi na nagsalita. I don't want anyone to know about what happened that night. Gusto ko manatili lang 'yun sa amin ni Liam at ni EJ.


"They kissed." Walang ekspresyon na sabi ni Bella.


Nanlaki ang mga mata ko at narinig ko ang pagka-shock ni Savvy.


"I-Is that t-true, ate?" Nakakunot ang noo Savvy.


Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon