CHAPTER TWENTY-FOUR
"Ate..." Malungkot na bigkas ni Savvy. Kumunot ang noo ko, nagtataka. "It's Abuela." Nangingilid ang mga luha niya at pinagmasdan kong tumutulo 'yun isa-isa.
"Anong nangyari?" Lumapit ako sa kanya para yakapin siya.
"She's sick, ate." Humihikbi na siya. "She j-just collapsed. I don't know what to do." Her tears are still flowing.
We rushed towards the hospital where our Abuela was taken. Halos hindi ako makahinga sa mabilis na pintig ng puso ko.
Nanlambot ang mga tuhod ko nang makita si Abuela na may oxygen mask na nakatakip sa mukha niya. She was lying inside the transparent room with all the machines beside her. I badly want to go inside but I was not permitted to do so.
Liningon ko si Bella na nakaupo at nakatingin lang sa sahig, namamaga ang mga mata. Si Savvy naman ay umiiyak pa rin at nakayakap kay Mama. Tinakpan ko ang mukha ko at bumuntong-hininga.
"Are you the family of Mrs. Beltran?" Lumabas ang doctor at tinanggal niya ang disposable mask sa kanyang mukha.
"How is she?" Diretsong tanong ko.
"She's stable now but we don't know in the future. Maaaring maging kritikal ang kondisyon niya. Mabuting nadala siya dito." Aniya.
Hindi ko na narinig ang pinag-uusapan nila dahil nakayuko nalang ako at unti-unting nanlumo. Parang namanhid ako dahil hindi na lumalabas ang luha sa'king mga mata at naninikip lang ang dibdib ko.
Hindi ko kayang mawala si Abuela sa'min. Alam kong hindi maiiwasan ang kamatayan, but, it's too early. I can't lose her.
Habang naghihintay kaming magising si Abuela ay umalis muna si Mama dahil may aasikasuhin siya. Kami lang ng mga kapatid ko ang nandito ngayon at binalot kami ng nakakabinging katahimikan.
"Gab!" May tumawag sa pangalan ko kaya marahan akong lumingon. Tumakbo si Liam papunta sa'kin at niyakap niya ako. Hindi ako kumalas sa pagkayakap niya. I don't have the strength to do anything right now. I just want to be here when my Abuela wakes up.
Nakita kong may dalawang lalaking kasunod na pumasok. 'Yung lalaking may pagka-moreno ay pumunta kay Bella at 'yung isang maypagka chinito ay lumapit kay Savvy. Hindi ko nalang 'yun pinansin dahil mas umaapaw ang lungkot na nararamdaman ko.
Dumaan ang ilang araw at hindi pa din gumigising si Abuela. Wala ako sa sarili ko habang nakikinig ng mga discussions. Hindi ko na rin madalas nakakausap si EJ dahil busy rin siya doon. I don't want to be a burden. I just want us to work out.
"May I sit here?" Ani Sage na may dalang tray.
Tumango ako at nagpatuloy kumain. Hindi ko inubos ang pagkain ko at nakatulala lang ako habang pinagmamasdan ang mesa.
BINABASA MO ANG
Last Summer
RomanceThe epitome of beauty and grace- Gabriella Venice Valentina, was devastated because she was deserted by a man, who loves no one but himself. Slowly, trying to cope up with a broken heart, she meets a guy who will heal her, then, break her. Will she...