18

81 6 0
                                        

CHAPTER EIGHTEEN



"Maintain your poise, Gabriella." Pag-remind ni Mama sa'kin.


Tumango lang ako sa kanya at inayos ang pagtayo ko. We're on our way to an event at ako ang sinama ni Mama since ako ang panganay. I don't like going to these events pero wala akong magawa.


I heaved a sigh and smiled before entering the venue. Kapag nakita mo ako sa ganitong event, know that all my smiles are fake, just like the people around.


"Oh my, you have grown into a beautiful young lady, Gab." Ani Tita Letezia nang makita niya kaming pumasok sa ballroom hall. Nagbeso sila ni Mama at nginitian ko lang siya.


"Thank you, tita."


I roamed my eyes around the venue and saw Liam with his parents. Hindi na ako magugulat na nandito din sila dahil halos pareho lang ang mga kakilala ng mga magulang namin.


Noon, kahit ayaw ko sa mga event na ganito ay nae-excite ako dahil nandito si Liam. We usually do goofy things and laugh together. I miss the friendship we used to have.


"Hi." Nagulat ako nang lumitaw si Liam sa harapan ko. I snapped back into reality and greeted him. He placed his hand around my waist and the people who witnessed his gesture are in awe. They said we looked good together and that we're a 'perfect match'. 'Yan din ang akala ko noon, eh.


"Wanna escape?" Liam whispered to my ear. I smiled widely at him and nodded. "Let's go." He winked at me before pulling me away from the crowd. Hindi nila namalayan ang pag-alis namin dahil occupied silang lahat sa pakikipag-usap.


Pagkalabas namin sa building ay sabay kaming tumawa ni Liam.


"Grabe. Thank you for getting me out of there." Natatawang sabi ko at ngumiti siya.


"Just like old times, right?"


"Oo nga, just like old times."


Nagkatitigan kami ni Liam nang nag-ring ang cellphone ko. It's EJ.


[ Hi, mahal. ] Bungad ni EJ sa'kin at nagwala ang mga paru-paru sa tiyan ko.


"Hi. Napatawag ka?"


[ I miss you.] He said in a husky voice.


"Talaga?" Pang-aasar ko at nahagip ng mga mata ko ang pagkawala ng ngiti ni Liam.


[ I'm here in the city. Nasaan ka?]


"Bossa Ballroom Hall. Pupunta kaba dito?"


[ See you. I love you.] He ended the call. Uminit ang pisngi ko sa huli niyang sinabi at ngayon ko lang napagtanto na hindi pa pala ako nakasabi ng 'three special words'.


"Who's that?" Napalingon ako kay Liam nang magtanong siya.


"Uh, Elijah."


"Bakit daw?"


"Nagtanong lang siya kung nasaan ako." Tinago ko na ang cellphone ko sa purse at inayos ang sarili ko. Medyo haggard ako dahil tumakbo kami ni Liam dito. Wala akong salamin na dala kaya nahirapan akong ayusin ang buhok at mukha ko.


"Let me." Ani Liam at inayos ang buhok ko sa likod ng tainga ko.


I looked down while he fixed my hair at napaigtad ako nang may lumabas sa building na kakilala namin.


Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon