CHAPTER SEVEN
"Hija!" Tawag ni Abuela kaya mabilis akong lumabas ng kwarto. "May bisita ka." She pointed at the door. Naglakad ako papunta sa pintuan at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Liam.
"Hey." Bigkas niya at nakahawak sa likod ng ulo niya.
Hindi ako kumibo dahil gulat pa rin ako. What is he doing here?
"Hi." Ulit niya.
"H-hi." Pagbati ko. "Anong ginagawa mo dito?" Diretsong tanong ko.
"I-uh came to see you." He answered.
"Why?" My brows furrowed.
"I missed you." He moved closer to me. Yayakapin niya sana ako nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko 'yun sa likurang bulsa ng shorts ko.
"H-hello?" Naiilang na tanong ko at nakatingin lang si Liam sa'kin.
["Hija, mom ito ni EJ. He has a very high fever ngayon at hindi ko siya maalagaan dahil may business meeting ako. Ayaw niyang magpaalaga kahit kanino. Can you please look after him for me?"] Mol ni EJ.
Teka, may lagnat siya? Naglinis pa siya kanina. Tsk.
"Yes, tita. I'll be there in a few minutes." Sabi ko at binaba ko na ang tawag.
"Ano ba ang kailangan mo? I need to go somewhere." Sabi ko kay Liam.
"Uh, I just wanted to apologize and see you." He answered with a gentle tone.
"Dito ka muna magpalipas ng gabi. I'll tell Abuela. I need to go somewhere." Naglakad ako papasok at sumunod si Liam. Pinatuloy ko siya sa guest room at ang mga helpers na bahala sa kanya. Kinuha ko ang susi ng sasakyan at ang wallet ko. I drove to EJ's house.
Pagkarating ko, I rang the doorbell and waited for someone to answer.
"Hija." Binuksan ni Tita ang main door. "Hi. I'm sorry I called you this late." Humalik siya sa pisngi ko at inaya akong pumasok.
"Okay lang po." I smiled at her. Dinala niya ako sa kwarto ni EJ. I saw him wearing a black sweater at nakakumot pa. He was sleeping.
"Ikaw na bahala sa kanya. Thank you talaga." Paalam ni tita at umalis na. Tumuloy ako sa kwarto ni EJ at pumunta sa C.R niya to give him a sponge bath.
I grabbed a small basin and a small white towel. Kumuha na rin ako ng white sando sa cabinet niya para ipalit ko sa kanya. I walked towards his bedside at napangisi ako sa mukha niya. He looked so mabait when sleeping. I gently touched his forehead to check if mainit pa ba siya.
BINABASA MO ANG
Last Summer
RomanceThe epitome of beauty and grace- Gabriella Venice Valentina, was devastated because she was deserted by a man, who loves no one but himself. Slowly, trying to cope up with a broken heart, she meets a guy who will heal her, then, break her. Will she...