Lost Soul

115 8 0
                                    






************




Psyche Valentine Collins



Naalimpungan ako ng makaramdam ng gutom, iminulat ko ang aking mga mata. Anong oras na ba? umaga na ba kaagad? parang ilang oras palang akong natutulog tapos umaga na kaagad?

Tumayo ako at hinanap ang aking telepono, nang mahanap ko iyon agad kong tiningnan ang oras. Alas nuwebe palang pala ng gabi, and look at this mess I have twelve missed calls from Avi. Ano kaya ang problema ng babaeng eto at wagas kung makapag missed call, mabuti nalang naka silent ang phone ko kung hindi naibato ko ito ng wala sa panahon.


Nag palit muna ako ng pang bahay na damit atsaka nag suklay ng buhok dahil para akong nirape ng tatlong adik, nang matapos akong ayusin ang sarili ko ay agad akong lumabas saaking kwarto at bumaba sa kusina. Sana tapos na ang mga alagad ni Satan para mag isa nalang akong kakain. Baka mawalan ako ng gana kapag kasabay ko sila, nagugutom pa naman ako ngayon.

Sa kasamaang palad kasalukuyan silang kumakain ng hapunan at mukhang kakasimula lang nilang kumain. Ate Valerie smiked once she got a glimpse of my beauty. "Gising na pala ang future heiress ng hotel at ng St. Valentine". Panimula niya saakin. This pathetic crybaby is starting a war without a weapon? hayst, kumalma ka Psyche. She's just trying to annoy you kase lugi na sila ni ate Chelsea dahil wala na silang mamanahin.

Dire-diretso lamang akong umupo sa hapag at hindi sila pinansin. "Anak? nakatulog ka pala kaagad kanina, hinahanap ka pa naman saakin ni Avi dumaan sila rito". Malumanay na wika saakin ni mommy. Napatingin ako sa kaniya, wait naglo loading pa ang brain cells ko. Okay what is it? dumaan ang mga kaibigan ko kanina?

"Bakit raw po sila dumaan rito?". I asked. She smiled. "Mukhang may lakad kayo ulit, tawagan mo nalang sila kapag tapos nating kumain ng hapunan". She answered. Tumango na lamang ako sa kaniya at hindi na muling sumagot. Nang mailagay ni manang ang huling ulam ay nag simula na kaming kumain. "Mom, talaga bang mga bunso ng Grecian ang nag papatakbo ng St. Valentine?". Tanong ni ate Chelsea. Napatingin si mommy sa kaniya at tipid na ngumiti. "Oo anak, ang mga bunsong babae ang dapat nag papatakbo ng eskwelahang iyon". Sagot ni mommy sa kaniya. Ibinaba ni mommy ang kaniyang hawak na kutsara at tinidor at humarap saaming lahat. "Bunsong babae ang lola Valentina ninyo, kaya ang tradisyon natin ay mga bunsong babae lamang ang mag papatakbo nang eskwelahan". Paliwanag saamin ni mommy.

Naka simangot ang dalawa kong mga kapatid, sabagay it's not like hindi palaging ganiyan ang mga itsura nila sa tuwing ako ang pinag uusapan. Malamang pag iinitan nanaman ako ng dalawang brainless donkeys dahil sa ipinaliwanag ni mommy saaming lahat. "But mom, you didn't manage the school right? then maybe I could do it instead of Psyche". Wika ni ate Valerie kay mommy. Bahagyang napabuntong hininga si mommy sa sinabi niya, I told you hindi sainyo mapupunt ang school. "Anak bago kayo lumabas sa mundong ito ay ako ang namamahala ng St. Valentine, tumigil lamang ako ng maipanganak ko si Psyche". Mom further explained. These losers are really unbelievable!

"Si Psyche ang taga pag mana ng eskwelahan, nasa sinapukunan ko pa lamang ang kapatid ninyo ay planado na iyon. Huwag ninyong kainggitan ang kapatid ninyo dahil meron naman kayong mga sariling kumpanyang pinapatakbo". Malumay niyang tugon saaking mga kapatid na parehas nakakunot ang mga noo. Suck it bitches! hindi niyo makukuha ang St. Valentine! not on my watch you worthless bitches!

"But mom, ang mga Collins din ganiyan ang tradisyon so ibig sabihin pati ang hotel kay Psyche mapupunta? Paano naman kami ni Ate Chelsea?". Pag pupumilit na wika ni ate Valerie. Ibinaba na rin ni daddy ang hawak niyang kubyertos. "Ako ang bunso saaming magkaka kapatid kaya dapat ring si Psyche ang mag papatakbo ng hotel". Pag sangayon ni Daddy sa sinabi ni mommy. "BUT WHY HER!? ALL OF OUR LIVES PURO NALANG SIYA! PURO KAYO PSYCHE!". Pasigaw na reklamo ni ate Chelsea. Hindi ko sila iniintindi at nag papatuloy lamang sa pag kain dahil sa oras na nakisali ako ay paniguradong lalong iiyak ang dalawang to.

Our Tangled Strings (KOV #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon