*********************
Psyche Valentine Collins
Waking up early in the morning wasn't really my thing but maaga akong nagising ngayon, nasa sofa na rin ako natutulog malapit sa pwesto ni North kahit ang pag kaka tanda ko ay sa kwarto ako natulog kagabi. May tali din sa kamay ko at naka konekta ito sa hawak na tali ni kuya Reidly habang naka sandal sa upuan, he's also asleep kaso naka upo siya. I tried to take it off of me pero masyadong mahigpit ang pag kakabuhol nung thread sa kamay ko, damn it! I want to sleep upstairs!! Maaga pa at gusto ko pang matulog ng matino.
How the fuck willl I get away from this thing when it's tight?! Bumabakat sa kamay ko yung marka ng tali, medyo mahapdi na rin ito kaya lalo akong naiirita. Hindi ko naman maalis kaya sa sofa nalang ako ulit natulog, may dala akong kumot at unan kaya kumportable naman akong naka balik sa tulog. Medyo nakakairita lang yung tali, hindi ako maka ikot ng maayos dahil dito sa bullshit na ito.
Nagising ako dahil sa araw na tumama saaking mga mata, mataas na pala ang sikat nito ngunit tulog pa rin sina North at kuya Reidly kaya hindi ako maka alis sa pwesto ko. Napabuntong hininga muna ako bago ko tinipa ang mga pag mumukha nila, edi parehas silang naalimpungatan. I know the reason why they are doing this bullshit, but C'mon! Make it at least a little less tighter right? Gusto rin kaseng huminga ng mga ugat ko sa kamay eh, baka naman.
Naka kunot ang noo saakin ni North, hanggang ngayon nasa mukha niya pa rin yung make up na nilagay ko tapos ang kalat na lalo nung mga mascara at lipstick. Naalala kong hindi ko nga pala nilagyan ng pang set kaya ganiyan ang itsura niya ngayon, pag ka mulat ni kuya Reidly ng mata niya ay automatiko siyang humalakhak dahil kay North. Napa takip nalang ako ng bibig dahil nag pipigil ako na tumawa rin ng malakas, papaanong hindi rin ako matatawa? Kumalat lahat ng naka lagay sa mukha niya, hindi naman sensitive ang balat niya kaya hindi siya mag kaka pimples kaso kapag hindi niya pa inalis yan ngayon ay baka magkaroon siya ng wala sa panahon.
Wala pa ring tigil si kuya Reidly kaya kumunot ang noo ni North at tila nag tataka ito, kinusot niya ang kaniyang mga mata at napag tantong may mascara siya kaya tumayo siya at tumakbo sa banyo. Narinig naming sumigaw siya dahil sa sobrang pagka gulat ng makita niya ang itsura niya sa salamin, kaya kami dito ni kuya Reidly ay tawa ng tawa at halos matanggal na ang mga panga namin dahil doon.
Akala ko ay gagamit ng gunting si kuya Reidly sa pag tatanggal ng tali ngunit hindi ako makapaniwala nang tanggalin niya ang mga ito gamit lamang ang kaniyang sariling mga palad, walang kahirap hirap niyang kinalas mula sa kamay ko yung mga naka gapos na lubid saakin. Ngayon talagang nalaglag ang panga ko, I can't believed what I witness! He's strong!! Incredibly strong! As in super duper! How the hell did he do that!? I mean hindi ko kaya yon kase babae ako pero siya? Oh my g!!!
"Kuya Reidly bakit mo naman hinigpitan ng todo yung thread? It's ouchie kaya!". Reklamo ko sa kaniya. Tinawanan niya lang ako, what the fuck!? Masakit kaya yon tapos tatawa lang siya saakin!?? That's unfair!!! But still I'm happy na talagang concern sila sa sitwasyon ko, as far as I remember ay bumabalik talaga ang ganito kong sakit lalo na kapag nakakaranas ako ng emotional traumas and maybe Suzyane's death triggered it.
"You were about to fall and luckily West was there to catch you, mabuti nalang hindi ka natuluyang mahulog sa hagdan kagabi". Pag aalala niyang paliwanag saakin. He looked worried, at the same time he's smiling which is confusing for me. Is he faking a smile to make me feel relieved? Para hindi ko mabasa ang ekspresyon niya?? Para hindi na ako mag alala dahil ganon din sila saakin? Of course I'm bothered by myself, it's my doings at naapektuhan sila dahil sa ginagawa ko. If I have to then itatali ko na ng kusa ang sarili ko sa kama para sure na hindi na ako makaka alis doon, I'll even put some padlocks to secure it.
BINABASA MO ANG
Our Tangled Strings (KOV #2)
RomanceThis is Kings Of Valentine #2- Our Tangled Strings. I never believed in red strings, cause it's just a myth that made people believe in love. Love was something fictional, only found in worn pages of books. It was just made up to keep humans full o...