*************************
Jonathan Eros Rodriguez
Sa tagal ko ng nabubuhay sa mundong to, ni minsan hindi ko man lang inisip na magagawa kong bumili ng sanitary pads ng babae. Pinag titinginan pa ako ng mga kasabayan ko at ang mas masaklap ay babae ang kahera kaya natatawa siya, ang cute ko daw pati ang sweet tapos hihingi pa yung numero ko. Wala akong maisip na ibang paraan para maka iwas kaya yung kay Psyche nalang ang ibinigay ko, wala akong panahon makipag landian dahil abala ako sa pag aalaga ng mahal ko.
Love is like war; it's easy to begin but very hard to stop, I fell deeper than I expected and now I can't get up on my own because I need her to be by my side, only her and her alone. Hindi ko akalaing darating kami sa ganitong punto na magkaka sama kami dito sa iisang bubong, totoong masayang masaya ako pero hindi pa rin nawawala ang problema namin dahil matagal na akong hinahanap sa Cielo. Si Thor ang gumagawa ng mga misyon ko para saakin at kasama niya si West, hindi ko na alam ang gagawin ko kung wala silang dalawa ngayon sa buhay namin.
Nag sisinungaling ako kay Psyche na hindi ko naka kausap ang mga pinsan niya, hindi niya dapat malaman na palihim kaming may komunikasyon sa araw araw dahil nag aalala siya kay tita Valentina. Hindi pa alam ng ina niya na ako ang kasama ni Psyche, ang alam lamang nito ay may kasama siya pero hindi sinabi nina West at North na ako iyon. Gumawa na kami ng panibagong plano na ilipat si Psyche sa ibang lugar pag tapos ng ikalabing walong taong gulang niya, gagawin namin iyon para maka iwas na matunton kami ng mga nag hahanap saamin kasama na doon ang sarili niyang ama.
Wala akong karapatan para ipag damot sa kaniya ang katotohanan pero wala akong ibang pag pipilian, mga pinsan na niya ang kusang lumapit saakin upang mang hingi ng karagdagang tulong at ginagawa ko to dahil mahal ko si Psyche atsaka nirerespeto ko ang mga pinsan niya na kaibigan ko rin noon pa man. Handa akong sumuway sa mga magulang ko at iwan ang lahat para sa kaniya, hindi ako mag dadalawang isip na umalis sa sarili kong tahanan para makasama siya dahil nangako akong po-protektahan at iingatan ko ang prinsesa nila. Siya ang gusto kong makasama sa araw araw at sa tamang panahon ay gagawin kong reyna ang prinsesa nila, itataya ko na ang lahat huwag lang siyang mawala.
Kasalukuyang natutulog si Psyche, ala sais na ng umaga ngunit gising pa rin ako habang abalang pinag mamasdan ang napaka gandang binibining nakita ng mga mata ko. Para itong unang sikat ng araw, o hindi kaya'y mga bituin sa kalangitan at isang maliwanag na buwan tuwing gabi, I can't imagine how much she changed my life. Everything before her was just simple, no color, boring and lifeless then after her? Everything became exciting, fun, colorful, new and wonderful. She changed me and my life, she's the love of my life and I'm thankful that I finally found the one who would make me feel loved and cared. someone that would make me feel that I'm not alone in this lonely world.
I can't help but admire her timeless beauty, noon sa mga magazines atsaka internet ko lang siya nakikita at nagagawang pag masdan ng malapitan. Bihira ko lang siyang makita ng personal tapos hindi ko pa siya naka kausap, sa loob ng pitong buwan ay nagawa niya akong pasayahin ng sobra. Sa dalawang daan at lahing tatlong araw na mag kasama kami ay lalo ko siyang minahal ng mas higit pa sa sarili ko, I took her to the moon with me because her happiness is also my happiness. I'm angry when she's sad, and I'm sad if she's angry. I don't like seeing her eyes full of tears, it makes me feel useless because I couldn't take her sadness away even if I wanted to do so.
BINABASA MO ANG
Our Tangled Strings (KOV #2)
RomanceThis is Kings Of Valentine #2- Our Tangled Strings. I never believed in red strings, cause it's just a myth that made people believe in love. Love was something fictional, only found in worn pages of books. It was just made up to keep humans full o...