Unexpected Goodbyes

41 2 0
                                    






*************************





3rd person's pov







Payapa ang umaga ng magkasintahang sina Eros at Psyche ngunit sa hindi inaasahang pag kakataon ay tila nakaligtaan ata silang iligtas ng ating Bathala, isang malakas na ingay na nang gagaling sa labas ang umaalingawngaw kaya kapwa sila naistorbo sa pag tulog ng mahimbing. Natatarantang tumayo ang binata at pinakiusapan ang binibini na huwag munang lalabas kahit na ano pang mang yari, agad niya namang pinakinggan ang bilin ng kaniyang mahal kaya nama'y nanatili lamang siya sa loob ng silid ngunit hindi niya magawang itago na siya'y nakaka ramdam ng takot at kaba sa kaniyang dibdib.










Ang ingay na kanilang naririnig ay nag mumula sa isang sasakyang panghimpapawid, sakay non ang mga taong humahadlang sa kanilang pag mamahalan ngunit buong akala ng binata ay mga kakampi nila ang nasa loob nito kaya panatag lamang ang loob niya. Agad na napawi ang kaniyang mga ngiti at napalitan ng takot ang kaniyang nararamdaman ng sandaling makita niya ang mga ginoong sakay ng isang helicopter, nandoon ang mga pinsan ni Psyche na kapwa hindi magawang makapag salita dahil may mga nakatututok na baril sa kanilang mga ulo at isang maling galaw lamang ay maaari silang mamaalam.










Matatalim ang tingin ng amang ang tanging nais lamang ay ang makuha si Psyche na walang kaalam alam sa nagaganap sa labas, puro gwardya ang nakapalibot sa kanila at bawat isa ay mayroong hawak na armas habang sila nama'y wala man lang kahit ano. Walang nagawa ang binata ng pumasok sa loob ang mga kalalakihan, gustuhin man nila itong pigilan ngunit kapwa sila walang mga lakas at tila umurong ang tapang nila.









Punong puno ng pagdurusa at galit ang mga mata ng mga pinsan ni Psyche lalo na ang pinaka nakaka tanda sa kanila, marahil naka titig din si Eros sa kanila dahil sa katanungan na anong ginagawa nila dito at bakit nandito ang ama ni Psyche? Marahil buong akala ng binata ay trinaydor siya ng mga kapwa niya ngunit doon siya nag kakamali, isang matalino at tinitingalang indibidual ang haligi ng tahanan ng mga Collins at lingid sa kaalaman nila na mayroon itong tinatagong katauhan.








Agad na kumatok ang kaniyang ama sa pintuan at buong akala ng dalaga ay si Eros lamang ito na nakikipag biruan ngunit laking gulat niya ng makita ang kinamumuhiang ama, automatikong tumulo ang mga luha niya ng mga sandaling iyon at labis na pang hihina ang naramdaman niya. Bakit? Anong ginagawa mo rito?! Nasaan ang mahal ko?! Anong ginawa mo sa kaniya!?? Mga tanong iyan sa isipan ng binibining naguguluhan ngunit hindi magawang makapag salita, papaano ka na tatakbo kung wala ka ng pupuntahan?









"Mag gayak ka na ngayon din, uuwi na tayo". Matigas na sambit ng kaniyang ama. Nanatili lamang siyang estatwa sa kaniyang posisyon at ilang minuto pa ang maka lipas ay agad itong tumakbo pababa, nag tungo siya sa kinaroroonan ni Eros at ng mga pinsan niya. Hindi niya man lamang pinakinggan ang utos ng ama at ang tanging gusto lamang nito ay ang makita ang kaniyang pinaka mamahal.








Nadatnan ng dalaga na kapwa naka gapos ang mga mahal niya sa buhay kabilang na sina West, North at Eros. Hindi ka ba makaka ramdam ng takot kung puro baril na ang nakatutok sayo? Isang maling kalabit lamang ng gatilyo ay kaya nung tapusin ang buhay ng isang indibidual, napaluhod na lamang si Psyche sa kaniyang posisyon dahil alam niya sa sarili niya na ngayon na nag tatapos ang masasayang araw niya kasama si Eros. Lahat ng bawat segundo, minuto, oras, araw, linggo at buwan na pinag samahan nila ay tila magiging ala ala na lamang dahil sa mga sandaling ito ay wala na siyang ibang pag pipilian pa, buhay ng mga mahal niya o ang kalayaan niya?









Our Tangled Strings (KOV #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon