One Heartbeat

71 2 0
                                    









*******************







Psyche Valentine Collins







Hindi pa rin ako makapaniwala sa napanood ko, tila para itong isang masamang bangungot na yumanig sa buong mundo ko. Halos hindi na nakapag trabaho si Eros dahil ayaw niya akong iwan mag isa kahit nandito naman ang mga pinsan ko ngayon, dalawang araw na ang nakaka lipas mula noong araw na napanood namin ni Eros ang bidyong ipinadala saamin. Kapwa parehas kaming pinadalahan non, malinaw na si Skylar ang lumapastangan sa kaibigan ko pero kahit ang mga pinsan ko ay iniisip pa ring inosente siya at wala siyang kasalanan. Bagay na talagang ikina gagalit ko ng lubos kaya ngayon hindi ko sila kinakausap, sangayon si Eros sa mga pinsan ko kaya pati siya nadamay na rin.









Mag sama sama muna sila tutal pare–parehas naman sila ng mind set, hindi malabo ang mga mata ko kaya kitang kita ko ang ginawa ni Skylar kay Suzy. Walang pag aalinlangan niyang binaboy ang kaibigan ko, gusto kong umalis dito para pag bayarin siya pero hindi ako pinapayagan ng kahit na sino lalo na ang nag susumamong boyfriend ko. Mula umaga hanggang gabi niya ako sinusuyo, hindi rin siya umaalis sa tapat ng pintan ko at hanggang ngayon nandito pa rin siya habang hinihintay akong lumabas at kausapin siya.








Ang punto nila ay ayaw nila akong mapahamak, sa oras na lumabas ako ng penthouse na ito at lumayo ay automatiko akong mahahanap ni daddy at hindi magiging maganda ang resulta non lalo na't nandito ang mga pinsan ko ngayon. Madadamay silang lahat, si Eros, Thor, Primo atsaka North pati West. Mapapatay ako ni Avi atsaka Trinity kapag may nang yari sa kapatid at pinsan nila, idagdag pa pala ang babaeng naka babatang kapatid ni Primo. Hindi ko sila gustong madamay pero wala rin silang lusot dahil tumulong at kinunsinti rin nila ang kagustuhan kong tumakas o umalis, pinaka malala na siguro doon ang sa mga pinsan ko atsaka Eros dahil sila ang may pinaka malaking parte.









My dad will certainly tear Eros into tiny pieces without showing mercy on him, he won't give a damn even if he kneeled and beg for his life to be spared. While my cousins would surely suffer a huge consequences, baka nga alisan pa sila ng mamanahin atsaka mapalayas ng wala sa panahon. My dad and their dads are still brothers, blood is thicket than water though. Kung ano ang naisipan ng isa ay automatikong ganon din ang gagawin ng isa sa kanila, para silang mga robot na may remote controls. One mind that won't show any mercy at all, lalo na si daddy na ganiyan na talaga mula pa noon.









He didn't had a tough childhood, he's also a spoiled brat just like tito Wilbert and tito Romulus. I just don't understand why he's treating us like this way, hindi naman siya minaltrato nina lolo atsaka lola hindi ba? I used to asked about dad, his story to be specific and yeah masaya ang kabataan ni dad atsaka ng mga kapatid niya, nobody really knows how he turned out to be a monster who would scare his own daughters just to get what he wants for his own personal purposes.









Wala ring may alam kung ano talaga ang gusto niyang gawin sa buhay namin, mom can't do anything to stop him so that means neither can we kahit tatlo pa kaming mag tulong tulong para subukang pigilan siya. Hindi niya naman pinababayaan ang nanay ko at ipinag papasalamat ko iyon ng todo sa kaniya, he was never a good father to us at ayos lang kase ang mahalaga para saakin ay ang kapakanan ni mommy. I don't mind being his slave for all I care, for sure my sisters were thinking the same thing in their minds.








Marami akong bagay na hindi maintindihan tungkol sa sarili kong ama kahit kasama ko naman siya hanggang sa pag laki ko, mula pa noon hanggang ngayon. Medyo rebelde akong anak, hindi rin ako perpekto at nag kakamali din ako pero hindi ko lang talaga magawang gawan ng conclusions o explanations ang dahilan sa likod ng pag pupumulit niya tungkol doon sa arrange marriage ko kay Skylar. He must have some reasons behind everything but I can't of anything na pupwedeng maging magandang rason para ipag pilitan niya saakin ang isang bagay na noon ko pa tinatanggihan, while I'm also wondering about Skylar's opinion kahit hindi naman talaga mahalaga yon para saakin.








Our Tangled Strings (KOV #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon