*******************
Jonathan Eros Rodriguez
Isang linggo na ang nakakalipas matapos ang napaka sayang St. Valentine anniversary ng buhay ko, sa lahat ata ng event ng school na iyon ay eto lang ang na enjoy ko ng sobra sobra. May bonus pang halik, sa lahat ng kakilala ko siya lang ang bukod tanging tumawag saakin gamit ang una kong pangalan. Para siyang demonyong may mukhang anghel, and I hate to admit this but I think I'm falling for her. It's getting deeper and deeper every single day, there's no stopping it so I'll just it be.
She cast a love spell on me and that's what makes me vulnerable, I can't forget about her. Though I think she's not aware that Eros and Jonathan are one person and it's me. May sipon ako nung time na nakausap ko siya sa telepono kaya iba ang boses ko, binatukan pa ako ni North at West dahil sinabihan ko raw na pang malandi yung boses niya. Ang arte naman kase talaga pakinggan, badtrip na ako kase nawawala yung wallet ko tapos idagdag pa yung tono ng pananalita niya? Edi lalo akong nainis kaya hindi ko sinadayang mapag buntungan siya ng inis.
Napag tanto ko lang na siya ang naka pulot dahil sa CCTV ng parking lot, hinayaan ko nalang muna dahil badtrip din daw saakin si Psyche. Ni hindi niya nga sinasagot lahat ng text at tawag ko dahil sa sobrang inis niya, gusto ko sanang humingi ng paumanhin kaso ayaw niya pa akong pansinin. Ako yung naunang nainis tapos sa huli ako pa rin pala yung magso sorry, madaya pero ayos lang tutal ako naman ang may kasalanan.
Kasalukuyang akong nasa mansyon mag isa, wala ang mga magulang ko ngayon kaya solo ko lang ang buong lugar. Hindi ko alam kung may pupuntahan ako, wala rin namang nag aaya sa kanilang lahat kaya baka matulog nalang ako o mag laro ng play station. Naisipan kung tumayo at pumunta sa kusina para kumain nalang habang nanood, dahil wala ring matinong papanoorin ay nag pasya nalang akong manood ng cartoons kagaya ng ginagawa namin kapag kasama si West.
Minsan masaya rin pala magkaroon ng kapatid, hindi na kase ako nasundan dahil palaging abala sina mom at dad dahil sa pag papatakbo ng wine factory namin. Bihira lang silang umuwi at minsan halos hindi na, nag pupunta rin sila sa iba't ibang bansa para makipag kita sa mga investors at business partners. Isa pang bagay na hindi ko maintindihan ay kung bakit 'Eros' ang ipinangalan nila saakin, kung wine ang business namin edi para silang si Dionysus at Ariadne tapos yung meaning ng pangalan ko God of love?? That's weird, para tuloy nilang pinalalabas na nagkaroon ng anak si Aphrodite at Dionysus.
Isa pag bagay na nakakainis, pati si Avi kupido ang tawag saakin pati sa contacts niya iyon ang nickname ko. Mabuti na nga lang hindi lang ako ang may kaka ibang pangalan saaming magka kaibigan dahil pati si West at Thor ganon din, si Jared lang ang may matino kaya lang yung utak niya naman ang wala sa ayos. Nakaka bagot mag isa, ayoko namang mag punta sa Pandora ngayon kase maaga pa at paniguradong puro mga gold digger ang nandoon ngayon. Kapag mamaya namang gabi baka hindi sila payagan, pati wala kaming tutuluyan base kay West.
Habang abala akong kumakain ay parang kabuteng sumulpot si manang Marisa sa likuran ko, pakiramdam ko tuloy ay nakaranas ako ng mini heart attack dahil sa gulat. Idagdag pa yung face mask niya sa mukha, para siyang multong masiyahin. "Young master? May mga bisita ka, nandito sila sir Thorin. Nasa sala ko sila pinatuloy". Anunsyo niya saakin. Nanatili pa rin akong naka hawak sa dibdib ko dahil walang tigil ang kalabog ng puso ko, si manang talaga kahit kailan.
"Manang maawa ka naman saakin, para akong aatakihin eh". Magalang kong reklamo. Tinawanan niya lang ako at tinapik sa balikat bago siya nag patuloy sa ginagawa niya, isa siya sa mga nag alaga saakin mula pa noong maliit ako. Sila na ang tumatayong nanay at tatay saakin tutal palagi rin naman akong mag isa dito, ang laki ng mansyon pero akalain mong ako lang naman ang laman sa loob? That's too much space for me, I'd rather live in a small house with a big family than a big house but I'm all left alone.
BINABASA MO ANG
Our Tangled Strings (KOV #2)
RomanceThis is Kings Of Valentine #2- Our Tangled Strings. I never believed in red strings, cause it's just a myth that made people believe in love. Love was something fictional, only found in worn pages of books. It was just made up to keep humans full o...