Pandora's Box

66 3 0
                                    








***********************









Psyche Valentine Collins






Ngayon araw na ito ay panibagong linggo nanaman dahil may pasok sa eskwelahan ngayon at katulad ng napag kasunduan namin ni daddy ay hindi na susunod saakin ang mga gargoyles niya, maaari ko na ring gamitin ang sarili kong sasakyan kaya sobrang saya ng gising ko ngayon. Himala nga at hindi nag pupunta dito ang mga kapatid ko kaya mas tahimik ang buhay, walang epal sa bahay!!







Tahimik na bahay equals tahimik na buhay para saakin, kapag wala sila sa paningin ko ay maayos ang lahat at walang stress. Good vibes at masayang umaga ang sasalubungin ko kung araw araw na ganito ang sistema, but ano kayang ginagawa ng mga iyon ngayon? Mukhang may importante silang pinag kakaabalahan kaya hindi sila nang gugulo sa buhay ko, what if ako naman ang mang bulabog kahit kaunti? Nah Psyche! Don't bother those witches, you're too beautiful to think about them.









They're not even worth a while kaya kung ako sayo nag hahanda ka ng pumasok dahil baka malate ka, hindi ko gugustuhing masermonan ng mga teacher mo dahil masakit iyon sa ulo. Baka mang sesante ka nanaman ng isang guro kapag napag sabihan ka, but who cares? Madaming nangangaylangan ng trabaho mula sa iba't ibang bansa pa, kapag nawala ang isa edi palitan. Ganon lang naman ka-simple ang problema mo eh, hindi naman pag ibig ang papalitan mo kaya hindi ka mahihirapan.








Kasalukuyan pa akong naka tulala sa kisame ng silid ko, natutuwa lang akong pag masdan sila dahil bagong gawa ito. May disenyo na ito na kakagawa lamang kahapon, naisipan ko lang bigla na palagyan kaya ngayon natutuwa na akong tingnan ang mga ito. Maaga akong naka tulog kaya pati ang pag gising ko ay ganon din, gusto ko pa sanang bumalik sa pag kakahimbing kaya lang baka mahuli naman ako ng gising.








Dahil wala na rin naman akong ibang gagawin, nag pasya na lamang akong mag ayos na ng sarili kahit maaga pa. Maganda naman ang gising ko ngayon kaya sana maganda rin ang araw ko, ang weird naman kung maganda gising ko tapos panget yung araw. I just have a feeling na may mang yayari mamaya na hindi maganda, I don't know basta my guts is telling me that something bad is going to happen later and it's making me feel goosebumps all over my body.







Masaya akong tumayo saaking higaan, himala na atang naisipan kong mag ayos ng kama ngayon. Bihira ko tong gawin kaya nevermind, sinisipag ako kahit na may masama talaga akong kutob tungkol sa mga mang yayari mamaya pag pasok ko sa St. Valentine. I'm still hoping for a good day, maaga pa naman eh. Pag tapos kong ayusin ang pinag higaan ko ay dumiretso ako sa banyo para maligo, baka kaylangan ko lang talaga mag relax so I decided to run a hot tub and throw my vanilla bath bombs in there.








I wanted to relax but it's my mind that's messed up, I can't stop thinking about what would happen later. Masama talaga ang pakiramdam ko at parang ayoko nalang munang pumasok, may quiz kami ngayon sa English Literature kaya hindi ako pupwedeng mawala. After that quiz, isang test ulit then finals na bago mag summer break. Babagsak ako kapag wala ako sa mga araw ng exams, of course I can't fail kaya dapat palagi akong present lalo na ngayong mga susunod na linggo.








After that relaxing bath time, agad akong nag bihis ng uniporme ko. Napansin ko lang na medyo umiksi ang skirt ko so I'm thinking na baka kaylangan ko ng mag palit, but I realize na malapit ng matapos ang school year kaya what's the point of changing it? Isa pa sa susunod na taon ay first year college na ako kaya for sure bago na ang unipormeng isusuot ko, kasabayan ko sina West at North pero as far as I know dalawa ang kursong tinatapos ni Hilaga kaso hindi alam ni tito Wilbert iyon dahil hindi naman niya sinasabi.








Our Tangled Strings (KOV #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon