Roses Are Red

52 2 0
                                    








*********************








Psyche Valentine Collins










Halos buong mag hapon ang hindi iniwan ni Jonathan, nanatiling siyang taga punas ng aking mga luha habang nakatayo sa harapan ko. Ni hindi man lang siya nag reklamo saakin, wala akong kahit na anong narinig sa kaniya kung hindi ang salitang mahal niya ako at hindi niya ako kayang iwan mag isa lalo na't ganon ang sitwasyon ko. Masakit ng sobra ang pag kaka sampal saakin ng sariling ina ni Suzyane, kahit pala siya ay ako rin ang sinisisi pero baka tama naman silang lahat.








Siguro nga kasalanan ko kung bakit nag pakamatay si Suzy kaya anong karapatan kong mag luksa? Ako ang mamamatay tao, ako dapat ang nasa kabaong ngayon at pinag lalamayan ng lahat imbis na siya. Ipinaparamdam ni Jonathan saakin na wala akong kasalanan sa nang yari kahit na parang pakiramdam ko ay ako ang puno't dulo ng lahat, imbis na umalis siya ay nilibang niya at pinasaya niya ako ng araw na iyon kahit unti mong sumaya ng kaunti ay wala rin akong karapatan.








Isinama niya ako sa road trip niya, inikot ata namin ang buong batangas at tumitigil lamang kami tuwing magugutom o hindi kaya'y maiisipan naming mag banyo. May dala siyang polaroid na camera at tila pamilyar iyon saakin, kaparehas non ang akin ngunit iba lamang ang kulay at disenyo. Para maaliw ako ay dinala niya ako sa mga paborito niyang lugar, kumain at kumuha kami doon ng litrato pero kahit na masaya akong kasama siya ay hindi ko pa rin magawang itago ang lungkot na nararamdaman ko.









As much as possible, lumalayo kami sa mga bagay na maaaring makapag paalala saakin ng tungkol kay Suzy. Tinanong niya ako kung ano yung mga bagay na gusto kong gawin kaya lang papaano naman namin gagawin iyon? Una sa lahat naka dress ako, pangalawa wala naman ganon dito at pang huli ngayon talaga? Gusto kong mag sky diving pero hindi ngayon, ang hirap maging masaya lalo na kapag alam mong may kapalit na lungkot.









Kung alam ko lang na mag kakaganon edi sana hindi nalang ako naging masaya noong araw na pinuntahan namin si Suzyane, baka buhay pa sana siya ngayon. Kahit si Janice ay galit saakin at ayaw niya rin akong makita, itinaboy niya ako bago kami umalis ni Jonathan at akma niya rin sana akong sasampalin ng malakas kaso agad namang napigilan kaya hindi natuloy. Kaming dalawa lamang ang mag kasama ng isang buong araw, alam naman ng mga pinsan ko kaya hindi sila tumutol at sa halip ay tinulungan pa nila kaming maka lusot kina mom at dad kahit na mahigpit ring utos saakin na maagang umuwi.










Kasalukuyan akong nasa kwarto ngayon at isang linggo na ang nakakalipas mula ng nag punta kami sa burol ni Suzyane, ngayon ang araw ng libing niya ngunit mamaya pa ako pupunta kapag wala ng tao doon para maka iwas sa gulo. Sawang sawa na ako sa mga ibinabato nilang salita tungkol saakin, ang sakit at sobrang bigat na ng nararamdaman ko lalo na't dumadagdag pa ang mga panaginip ko tungkol saaking namayapang kaibigan. Mom suggested that I should consult some psychologist to help me overcome this nightmare but I doubt if it will any help to me, I tried to move on but I can still see her in my dreams and it's causing my somnambulism.









(Sleepwalking, formally known as somnambulism, is a behavior disorder that originates during deep sleep and results in walking or performing other complex behaviors while still mostly asleep.)










Nararanasan ko ang ganitong klase ng sakit mula pa noong pitong taong gulang pa lamang ako, unang beses ko itong naranasan ng may mang yari kay mommy at halos tumagal iyon ng dalawang taon bago nawala ng sandali. Bumabalik nanaman ata siya ngayon, napapadalas na naka bantay sina West at North sa labas ng pintuan ko para pigilan akong bumaba sa hagdan habang natutulog.









Our Tangled Strings (KOV #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon