Empty Room

49 3 0
                                    








**************************






Jonathan Eros Rodriguez







It's the third day since Psyche left, hindi ba sapat na napasaya ko siya? Why would she leave when she doesn't have to? I just don't get it. Ni hindi man lang ako nakaka tanggap ng text o tawag mula sa kaniya, hindi rin daw siya matawagan ng mga pinsan niya. Kagabi pa raw nila sinusubukan pero hanggang ngayon wala pa rin talagang sumasagot, naka patay ang telepono niya. Nag aalala ako ng todo kase nandoon si Skylar, hindi maganda kung mag kakasama silang dalawa lalo na ngayon at nakarating na kay Psyche ang tungkol sa bidyo na iyon. Base sa pag iimbestiga ko, bail ang dahilan kung bakit nasa labas siya ng kulungan ngayon at isa pa walang solid na proweba para patunayang guilty siya.










Wala pang nagsu submit ng video footage kaya hanggang ngayon iniisip pa rin nila na walang kasalanan si Skylar, kung tutuusin wala naman talaga kase isang suicide case ang kaso ni Suzyane at hindi murder pero pwede siyang kasuhan ng rape doon kaya sa huli makukulong pa rin siya. Naka ilang padala na ako ng mensahe kay Psyche ngayon pero hindi niya pa rin ata nababasa ang mga ito, maski sa instagram atsaka messenger nag message na rin ako at sa totoo lang unti unti na akong nawawalan ng pag asa na gusto niya pa akong maka usap muli.








Wala akong pakialam kung hindi siya nanatili noong mga panahong nag mamakaawa ako sa kaniya na huwag niya akong iwan, gusto ko lang namang marinig na mahal niya ako at ginawa niya lang yon dahil sa isang malalim na dahilan. Tatlong araw na rin akong hindi maka kain at makatulog, ni wala akong kinakausap na kahit sino. Galit si mom dahil nag kaka ganito daw ako dahil kay Psyche, iinsulto niya ang babaeng mahal ko at sa mismong harapan ko pa talaga. Nakipag talo ako sa kaniya noong mismong araw na naka uwi ako mula sa penthouse ni West, nang hingi ako ng tawad tungkol sa pag sisinungaling ko na nasa ibang bansa ako pero hindi yon sapat na dahilan para mang insulto siya.









Hindi niya ako pwedeng papiliin kung sino sa kanila ni Psyche ang pipiliin ko dahil hindi ako mag dadalawang isip na piliin ang babaeng mahal ko, Oo nanay ko siya. Siya ang nag bihis at nag bigay ng lahat–lahat kasama na doon ang karapatan sa kumpanya namin pero iba siya at iba si Psyche, nanay ko siya pero hindi niya ako pag aari. Hindi na ako bata para pag sabihan niya pa kung ano ang tama sa mali dahil alam ko ang mga iyon, nangako ako kay tita Valentina noon palang na hindi ko pababayaan ang anak niya kaya wala sa bokabularyo ko ang salitang sumuko lalo na kung si Psyche ang pinag uusapan.








"Sir Eros? Pinapa tawag po kayo ni Madam Joana, kumain na raw po kayo". Sambit ng isa naming katulong. Hindi ako sumagot sa sinabi niya, hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko utak ko lang ang gumagana sa mga oras na to. Sinabi ng ayaw kong kumain eh. Ayoko rin ng istorbo pero anong ginagawa ng mga inutil na to?! Ang linaw rin ng isa ko pang paalala na huwag akong kakatukin lalo na kapag sasabihan lang naman nila akong kumain, ayoko nga lalong lalo na kapag ang mga magulang ko ang makaka harap ko. Sanay naman akong mag isa, hindi ko sila kaylangan.









Maya maya pa tumunog ang isa sa mga telepono ko, ito ang ginagamit ko kapag taga Cielo ang kausap ko dahil hindi ito pangkaraniwang device na ginagamit para makipag kuminika. Gawa ito para sa mga katulad naming agent ng Cielo, espesyal ito at walang katulad na iba kahit saang bansa ka pa mag punta o mag hanap. Tiningnan ko kung sino ang nagpadala ng mensahe at nakita kong si Thor iyon, he's asking me about everything. Narinig na niya ang naganap mula kay West, sinabi niya rin na susubukan niyang tumulong dahil kaibigan ni Trinity si Psyche at siguradong walang mag dududa kung sakaling bibisita ang kapatid niya doon.







Our Tangled Strings (KOV #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon