Colors

105 6 0
                                    





*****************






Psyche Valentine Collins




Pag dating sa mansyon ay agad akong umakyat saaking silid upang mag pahinga dahil talagang napagod ang buong katawan ko sa byahe, hindi na muna ako kumain dahil talagang pumipikit na ang mga mata ko. Isa pa wala akong balak sumabay sa pag kain kasabay ng mga alagad ng dilim dahil baka mawalan lang ako ng gana at paniguradong masasayang ang pag kain. Hindi ko pa naman hobby ang mag sayang dahil maraming nagugutom na tao at dapat pahalagahan ko kung ano ang meron ako.



Kung meron man akong itatapon iyon ang mga kapatid ko tutal matagal na silang nabubulok, hindi ko lang talaga maintindihan ang mga magulang namin kung bakit hindi pa nila tinatapon ang mga kalat na matagal ng nabubulok sa mansyon. May sarili na silang business at lahat lahat pero nakikiagaw pa rin sila saakin, para ano? para saan? 




May sarili na silang mga buhay pero hanggang ngayon nandito pa rin sila nakikisiksik saamin, sila nga tong malaki na ang kumpanyang hinahawakan ngunit sila pa tong sobra ang pagiging gahaman. Kahit naman makuha nila ang St. Valentine hindi pa rin papayag sina mommy sa tunay nilang plano dahil paniguradong magagalit sina Nana at Lolo G dahil pinag hirapan nilang patakbuhin iyon habang pinatatakbo ang maple farm namin.



Naka tulog lamang ako ng ilang oras, naalimpungatan lamang ako ng may marinig na sigawan mula sa ibaba. I immediately stood up and fixed myself before I went downstairs to check what's happening. Hindi ko pala naisarado ng maayos ang pintuan ng kwarto ko kaya pala naririnig ko ang sigawan nila, dahan dahan akong lumabas ng aking kwarto at isinarado iyon. Naupo sa pangatlong baitang ng aming hagdanan atsaka pinakinggan ang pinag uusapan nila.



"Dad do something! Ayaw pumayag ni Nana at Lolo, I want to expand our business! and St. Valentine's place would be a perfect place". Pag mamakaawa ni ate Chelsea kay daddy, nasaan kaya si mommy? Mga kampon lang ng dilim ang nandito ngayon at kasalukuyan silang nag tatalo tungkol sa St. Valentine. Nag titipon-tipon nanaman sila para sa susunod nilang ritwal. 



Napabuntong hininga si Daddy sa kaniya. "Anak hindi saakin ang eskwelahan na iyon, naka pangalan na kay Psyche ang school dahil agad na inilipat iyon ng mommy ninyo". Kalmadong paliwanag niya sa mga kapatid ko. Lalong nayamot ang kapatid ko dahil sa narinig niya, well well well.. What a desperate move sisters. Talaga bang gustong gusto niyo ang eskwelahang iyon? Tingnan natin kung makuha niyo. 



"Can't you convince Psyche? You convinced her once to do her modeling career". Sabat ni ate Valerie sa usapan nila, as if naman papayag ako sa gusto nila. Over my dead sexy body, mamatay kayo sa kakahantay na pumayag ako. St. Valentine would never ever fall on your dirty hands so dream fucking on assholes.



"Anak this is too much, hayaan niyo na sa kapatid ninyo ang eskwelahang iyon. Meron na kayong mga sarili ninyong kumpanya kaya iyon na lamang pag pag tuunan ninyo ng pansin". Kalmado niyang paki usap sa mga kapatid ko. For once I'll agree to his words, that's exactly what I'm talking about.



Halos ilang minuto akong nakinig sa mga pinag tatalunan ng mga basura, I feel bored kaya bumaba na ako at nag pakita sa kanilang lahat. Tila para silang naka kita ng patay na nabuhay dahil mga gulat ang ekspresyon nila.



"Tapos ka na bang mag makaawa? Convincing me would be useless cause St. Valentine is mine and will always be mine so just accept the fact that it won't just simply fall in your dirty hands". Mataray kong wika sa kaniya. Kapag nakikita nila ako siguro parang bulkan ang mga dugo nila dahil kumukulo dahil sa galit. Well I'm always expecting that though, I will never be surprised kapag nakikita silang ganiyan ang mga ekspresyon ng mukha nila.


Our Tangled Strings (KOV #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon