Prisoners

102 5 0
                                    






****************







Psyche Valentine Collins





"Kayong pito! Sumunod kayo saakin!". Malakas na sigaw ni Professor Mura sa kanila, tahimik silang tumayo at sumunod sa kaniya palabas ng silid. Nag kukunwari muna akong umiiyak pa rin kaya hindi ako pinasunod sa kanilang lahat.


After they went outside tumayo ako at inayos ang sarili ko, of course guro na ang nakakita kaya hindi na siya makakapalag kahit ano pang palusot ang gawin niya. Nag hintay pa ako ng ilang minuto upang masiguradong hindi na sila babalik dito, pag tapos ng makalipas ng ilang minuto ay lumabas ako sa classroom at dumiretso sa cafeteria para kumain dahil nagutom ako.



Kinuha ko ang gamit ko at masayang lumakad papunta sa cafeteria, marami ng estudyante ang pagala gala sa hallway dahil break time na. Napadaan ako sa isang classroom at napansing may nakikipag suntukan sa loob, mukhang 4 vs. 8? Nananalo naman ata yung apat na mag kakasama kaya hindi na ako nag abalang tumawag ng pipigil sa kanila at nag patuloy na lamang ako sa pag lalakad ko.




Pag dating ko sa cafeteria ay nandoon na pala sila si Trinity, Avi at Riane ngunit hindi sila nag sisimulang kumain, lumapit ako doon at umupo sa tabi ni Avi na parang biyernes santo nanaman ang itsura. "Ano nanaman ang problema mo Avi? Broken ka pa rin?". Pabiro kong ani sa kaniya, inilapag ko sa lamesa ang gamit ko at umupo ng maayos.




Napabuntong hininga siya saakin. "Hindi ako broken hearted kase hindi naman naging kami diba? Broken kapag naging kami tapos nag break eh kaso hindi naman naging kami". Walang gana niyang tugon saakin, tumawa ako sa sinabi niya. Maya maya pa ay dumating si Janicessa at Suzy na may dalang mga pag kain. Akala ko ay sila lang ang mag kasama, dala dala pala ni Suzy ang boyfriend niyang alagad din ng dilim.



Naupo sila sa tabi namin, sa harapan ko naupo si Janicessa habang mag katabi naman si Suzy at Sky sa upuan. Nag sisimula na akong kumuha ng pagkain, mabuti na lamang at may vanilla flavored bun silang binili kaya may makakain ako, sina Trinity, Avi at Riane ay isa isa na ring pumili ng sa kanila at kumain ng tahimik kagaya ko.



Maya maya may lalaking tumatakbo papalapit sa lamesa namin at mukhang pagod na pagod siya. "Trin... Yu..ng kapa..tid.. mo.... nakiki... pag away... nana....man....". Putol putol niyang wika, pinag mamasdan lamang ni Trinity ang lalaki habang hinahabol niya ang hininga niya.



Kinalabit ko na si Trinity dahil ako ang naawa sa lalaking pagod na pagod na."Hoy gaga yung kapatid mo raw nakikipag basag ulo na don". Ani ko sa kaniya. Inubos niya muna ang kinakain niya bago siya tumayo at umalis sa pwesto namin. "Kasama yung pinsan mo Psyche pati yung kapatid mo Riane". Paalala niya rin saamin. Si West? Nah, he'll be fine. "Hayaan mo lang sila, mag sasayang lang kami ng oras sa kakaawat sa kanila. Kaya na ni Trinity awatin ang mga iyon kaya hindi na kami makikialam no Psyche?". Kalmadong ni Riane saakin. Bahagya akong natawa at ipinag patuloy na lamang ang pag kain ko.




Pag tapos niya kaming paalalahanan ay umalis din kaagad siya sa lamesa namin kaya naiwan kaming lahat dito. "Psyche? Mauuna na kami ah, see you". Masayang paalam ni Suzy saaming lahat. Tipid lamang akong ngumiti sa sinabi niya at hindi rin ako nag salita, tumayo na sila ni Sky habang kami namang lahat ay pinag mamasdan lamang silang lumakad palayo ng lamesa namin.


"Ako lang ba talaga o sadyang may kakaiba sa kanila?". Pag hihinala ni Riane sa kanilang dalawa. Medyo malayo na sila saamin at paniguradong hindi na nila kami naririnig, nag papatuloy lamang sina Avi at Janice habang pinakikinggan kaming nag uusap."Yeah Sky definitely did something on Suzy, she's acting differently ever since they started their so-called relationship". Pag sangayon ni Riane sa sinabi ko. Suzy is a quite type, you'll rarely see out partying unless she's with us but now? everytime I'll checked her instagram stories, she's in Pandora even early in the morning! 




Our Tangled Strings (KOV #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon