***********************
Psyche Valentine Collins
Bumabagal ang takbo ng oras sa tuwing kasama ko si Jonathan, hindi pa rin nawawala ang lagnat niya kaya nag aalala pa rin ako. Wala naman siyang sintomas ng dengue virus, wala namang mga lamok o kahit na anong mga maliliit na pesteng lumilipad na maaaring mag dala ng ganong klase ng virus dito eh kaya malabong magkaroon siya ng ganong klase ng sakit. Pangalawang araw palang naman to kaya hindi pa ako masyadong natataranta, isang araw at kalahati na akong walang matinong pahinga kase hindi ako mapakali at pang huli wala rin siyang mga rashes man lang o kahit na anong signs ng dengue kaya I'm still hoping na normal lamang ito.
Ilang litro ng kape, gatas, coke, sprite atsaka mountain dew ang dumadaloy sa mga ugat ko dahil sa tuwing dadalawin ako ng antok ay umiinom ako ng ganiyan, kaylangan ko pa tuloy mag exercise para hindi ako magkaroon ng body fats sa tiyan. I'm a model and that's a mortal sin, hindi ako si Aphrodite na ayos lang na magkaroon ng bread rolls kase una hindi naman ako greek goddess atsaka totoong tao ako hindi bato o statue na naka display sa isang sikat na museo.
Hindi tuloy ako nag eenjoy na naka laya na ko dahil may sakit naman siya at wala akong makaka larong iba, hindi kami pupwedeng maging choosy kase una sa lahat we only have each other for now at isa pang bagay na hindi kami maaaring mag imbita dahil natatakot siyang may sumunod, iyon ang magiging dahilan kung bakit kami matutunton. Siguradong isang malaking eskandalo at gulo ang mang yayari lalo na't sikat na mayamang negosyante ang mga Rodriguez, kilala ko ang magulang niya dahil kina tita Adrianna atsaka tita Melissa. Mag kakaibigan kase silang lahat kaya hindi maiiwasan na makikilala namin ang isa't isa, marahil ay baka hindi na niya ako naalala ngayon o kung hindi man iyon ay baka naman hindi siya aware na gusto ako ng unikohijo ng pamilya nila.
Hindi masyadong kilala si mommy kase bihira lang siyang lumabas sa mga telebisyon o tumanggap ng mga interview, si daddy ang kilala dahil siya ang palaging laman ng mga tabloids, magazines o kahit ano pang social media platforms lalo na kapag tungkol sa hotel namin. Sumisikat na ito ng todo atsaka unti unti na ring lumalago kaya katulad ng hotel na pinamamahalaan ni tito Wilbert kaya naman madalas na itong laman ng mga balita sa iba't ibang networks. Maski sa ibang bansa ay nababalita din doon si daddy pati na ang hotel, tila sumusunod na rin daw ito sa yapak ng mga nakakatandang kapatid ni dad.
Kasalukuyan akong nag luluto ng pag kain naming dalawa, as usual ako pa rin ang gagawa nito dahil hindi pa siya maka kilos ng maayos. Kaya niya naman ng paliguan ang sarili niya ngunit payo ko na mag hilamos lang muna siya ng katawan, baka kase mabinat siya o hindi kaya'y lalong lumala ang lagnat niya kaya pinag babawalan ko rin muna siyang mag basa ng todo. Nag luto ako ngayon ng sopas, nitong huling dalawang araw ay puro ako sabaw dahil nadadamay ako sa kaniya. Siyempre kung ano yung kakainin niya, automatikong ayun din ang saakin at hindi ako maaaring mag reklamo dahil masasayang iyon kung walang uubos lalo na't dalawa lang naman kami.
"Ginugutom ako ng niluluto mo". Eros randomly spoke. Naikwento na niya saakin ang ibang detalye, kaya mula ngayon ay ayan ang itatawag ko sa kaniya para mas maiksi. Ayos lang naman daw na Jonathan ang tawag ko sa kaniya pero napansin ko lang na ako lang pala ang ginagawa non, lahat sila Eros lamang ang tawag sa kaniya kaya gagaya na rin ako. "Oh? Bakit tumayo ka na? Bumalik ka muna sa higaan mo, matatapos na to". Pag aalala kong paalala sa kaniya. Nagulat ako ng kaunti, mabuti nalang hindi masyadong halata na napatalon ako dahil sa ginawa niya.
BINABASA MO ANG
Our Tangled Strings (KOV #2)
RomanceThis is Kings Of Valentine #2- Our Tangled Strings. I never believed in red strings, cause it's just a myth that made people believe in love. Love was something fictional, only found in worn pages of books. It was just made up to keep humans full o...