********************
Psyche Valentine Collins
Nanatili akong naka tulala kung saan ako iniwan ni Jonathan hanggang sa dumating si Avi, tawa ng tawa si gaga dahil napag tripan niya nanaman ako ng wala man lang akong kalaban–laban sa kaniya. Halos hindi ako makapag salita nung dumating siya, panaginip ba yung halik na iyon o talagang nag nakaw lang naman siya?
I mean it does feel like a dream, hindi naman sa kaniya napunta ang una kong halik pero parang pagka tapos non ayoko ng mahalikan ng ibang lalaki kahit na kailan. My first kiss was freaking stolen by some guy who's wearing a mask during my eight grade, hindi pa ako nakaka ganti sa hinayupak na iyon kaya mula noon sinusubukan kong burahin ang halik niya at mukhang ayos naman na ngayon.
Imbis na gaganti ako kay Avi ay nanatili akong tahimik sa isang tabi kasama nina Trinity at Riane, nag uusap usap sila tungkol sa kamalasan ko at kung papaano lang naman ako hinabol ng mga Valentians. Gusto ko sanang sumagot pero naka hawak pa rin ako sa labi ko na parang tanga, hindi naman ako nag aadik pero yung halik talaga na iyon ay tila droga sa sistema ko.
Nabaliw na ba ako lalo dahil don? Ang bilis ko namang makalimot na nakaw ang ginawa niya, wala akong maalalang binigyan ko siya ng permiso para humalik saakin pero Oo nga pala humalik din ako pabalik so maybe consider na iyon as fair. Tutal naman naka isa siya edi tama lang na gumanti ako, pero nakaka bitin eh. Wala bang take two? Anak ng! Hoy Psyche! Ayan nanaman yang utak mo!!! Umayos ka nga! Harot harot mo! Hmp! Tanggalin at huwag mong pairalin yan sa puso at isipan mo kung hindi ako mismong kaluluwa mo ang aalis!!!
Eto na susunod na po, masyadong galit ang hanep. Ayan dahil sa pisteng halik, nababaliw na ako dahil pati ang utak, puso at kaluluwa ko may sarili ng bibig at take note kinakausap ako. Curious lang ako kung papaano siya nakarating kaagad doon, masyadong malayo ang parking lot sa harapan ng stage unless lumipad siya o nag teleport sa lugar na kinatatayuan ko. Baka naman hindi si Jonathan yung nag perform sa stage? Hindi kaya si Eros iyon? Parehas sila ng damit? Pati boses? Ganon din sa hugis ng katawan.
Ang weird nilang parehas, kapag wala si Eros nandiyan si Jonathan habang kapag wala naman si Jonathan atsaka naman nandoon si Eros. Engkanto ba silang parehas? Yung magkadikit yung ulo tapos yung isa naka tago lang sa likuran?? O nuno sa punso? Tikbalang? O kutong lupa? I think lahat yan, masyado man silang gwapo pero hindi dapat ako nag papadala dahil isa pa ring jerk si Jonathan. Hmp!
"Hoy Psyche galaw galaw! Baka mastroke ka na diyan!!". Masayang sigaw ni Avi. Nag snap siya ng daliri sa harapan ko dahilan kaya bumalik ako sa katotohanan, inilipat ko ang tingin ko sa kaniya atsaka tinitigan siya ng masama. "Alam mo Avi nadedemonyo ako ngayon, parang gusto kong ipakita kay Primo yung mga drunk confession videos mo. What do you think?". Seryoso kong tanong sa kaniya. Biglang namutla si gaga dahil alam niyang hindi ako marunong mag biro lalo na kapag seryoso ang paraan ng pananalita ko.
"Bago ka magalit hayaan mo muna kaming mag paliwanag, masyado kang advance mag isip eh". Walang emosyong sabat ni Trinity sa usapan namin. Napa taas ako ng isang kilay atsaka hinayaan silang mag paliwanag ng matiwasay saakin, siguraduhin lang nila na worth it pakinggan yung rason nila. "Habang nasa baba kami kanina, may narinig kami ni Trinity na nag uusap tungkol sayo. Hindi namin sinasadyang marinig na pinaplano kanilang ipares kay Skylar sa loob ng seven minutes in wonderland kaya nag isip ako ng pinaka madaling paraan para maiwasan iyon". Kalmadong paliwanag ni Avianna saakin. Did I just heard it right? Someone's plotting something against me?? And what? Involve Skylar? Again? Yung totoo pinag lo–loloko ba ako ng mga to??
BINABASA MO ANG
Our Tangled Strings (KOV #2)
RomanceThis is Kings Of Valentine #2- Our Tangled Strings. I never believed in red strings, cause it's just a myth that made people believe in love. Love was something fictional, only found in worn pages of books. It was just made up to keep humans full o...