Invinsible

60 4 0
                                    










******************








Psyche Valentine Collins









Nanatili sila sa condo kasama ko hanggang sa dumating ang mismong araw ng kaarawan nina North at West, sa Villa Amore gaganapin ang pag diriwang at iyon ang unang beses na doon sila magpapa party. Sabagay malaki kase ang lugar pati malawak, baka marami silang bisita ngayon kaya doon nila naisipang ganapin. Isa pa baka sinapian ang mag kapatid, ni ayaw nga nilang doon mag celebrate ng birthday sa Villa Amore kase katwiran daw nila mahal yung bayad, nag tataka lang naman ako kase sa kanila yung establisyimentong iyon pero nag babayad pa rin sila?









Well come to think of it, nag babayad din naman ako ng tuition fee at mga miscellaneous fees, isama pa yung mga bayarin katulad ng locker at iba pang mga school facilities. Kung mag kano ang bayad ng mga estudyante sa St. Valentine, ganon din kaming mag pipinsan na nag aaral doon ay hindi nakakatakas. Isa pa ako rin naman ang mag mamana non pero tama lang siguro na nag babayad din ako, isa pa may mga scholarships na ibinigay yung school at baka kaylanganin ng pera para sa kanila.







A hundred thousand pesos per semester, pwera yung fees na babayaran. That amount of money is just for the tuition itself, hindi kasama diyan yung libro, uniforms, shoes at physical education uniforms. Kaya kung iisipin mayayaman talaga ang pumapasok sa St. Valentine, nakakairita lang yung iba kase inaapakan nila yung mga matatalinong scholars kase hindi sila mga new money katulad namin but I don't allow discrimination inside my school. I won't stand still and watch them bully someone just because they are not financially fortunate, that's not fair and humane.








Porque ba mayaman at nakaka angat ka eh dapat ka ng manapak? Sila nga mukhang basahan pero hindi ko naman inaapakan so they shouldn't do that others. What comes around goes around, kung ano ang itinanim mo ay paniguradong iyon din ang babalik ko sayo. Hindi ko gusto ng mga ganong klase ng tao, kahit may attitude problems din ako ay sinusubukan ko namang makitungo ng maka tao kase ayun naman talaga dapat ang ginagawa natin.









Isa pa may talento yung mga scholars, talagang deserve nilang makapasok sa St. Valentine at siguradong hindi nila ipapahiya ang pangalan nito. May pera lang naman ang iba pero walang mga binatbat, kung hindi dahil sa mga kayamanan ng mga magulang nila ay wala rin silang pag asang makapasok sa eskwelahang ito, puro lang salita pero wala naman sa gawa. Ang yayabang at matapobre pa, akala mo kung sinong mayaman. Maayos naman lahat ng guro dito dahil lahat sila alam ang dapat at hindi, may mga napaalis na ako kase hindi maganda ang pakikitungo nila saakin pati sa ibang estudyante.









Sukat akalain mo ba namang sigawan ako?? Hawakan sa manggas? Ipahiya? Tsk. Those bullshits don't work on me, ako ang batas sa St. Valentine at wala silang magagawa kapag saakin nang galing ang mga utos. Marunong naman akong sumunod at makinig ng rules kaya lang depende sa klase, kapag isang piece of shit ang ipinapagawa mo saakin mo susunod ako?? Are they nuts? Did they actually lost their minds? Hindi pa ako nahihibang para sumunod sa walang kakwenta kwentang utos.








Besides hindi ko nga sinusunod ang mga magulang ko eh, sila pa kayang guro lang ng eskwelahang pag mamay ari ko?? Sad to say but not in a million years. Manigas sila sa kaka sigaw, utos at sabi na sumunod ako pero kahit kailan walang makakapag pasunod saakin. Mamamatay muna ako bago gawin ang mga iyon, tatawanan ko nalang silang lahat.








And speaking of utos, my parents missed me so they wanted me to go back now like instantly. Kung kailang nasasanay na ako mamuhay ng mag isa atsaka nila ako pababalikin, mga wala sa ayos ang utak. Ngayon namomoblema kaming mag pipinsan dahil pati sina tito Wilbert at tito Arthur ay nadamay na rin, nagagalit sila kay dad dahil pati daw ako gusto niyang ipamigay sa ibang pamilya. Hindi naman literal na magiging pag aari na ako ng mapapang asawa ko, ang problema lang dadalhin ko yung apelyido which is kadiri so never.









Our Tangled Strings (KOV #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon