**************************
Psyche Valentine Collins
I almost tripped dahil sa madulas na daanan papasok sa elevator, I'm already pissed tapos dadagdagan pa nila. How can they clean tapos iiwan nalang nila ng ganito dito? What if mga residents ang naaksidente at nadulas?? Goodness, ang careless ng mga janitors. Buti ako ang naunang lumakad papunta dito, ayokong maistress dahil kakauwi ko lang and yet? Ayan muntikan ng magkalat ang utak ko sa lapag. If I die, sila ba ang gagawa ng mga trabaho ko? Will they manage my hotel? St. Valentine and my career as a model? Hindi naman right?
Wala akong mahagilap na taga linis, break time daw kase ng mga janitors ngayon. Hindi pa daw sila tapos base sa guard na naka salubong ko pag baba ko ng elevator, sasabihan niya na lang daw para lagyan ng proper sign. I mean buti pa siya may commonsense at gumagana ang brain cells, I hate having this feeling so I crossed my arms and tapped myself until I feel fine. Napanood ko lang to sa isang palabas habang nasa eroplano ako kahapon at effective naman siya, at least hindi na ako masyadong naiirita dahil sa stupidity ng mga nag tatrabaho dito sa condo ko.
Pag dating ko sa tapat ng pintuan ay agad kong inilagay ang pin code para makapasok ako sa loob, I'm having a weird vibe right now pero wala namang ibang tao dito kaya guni–guni ko lang siguro tong nararamdaman ko. When I opened the door, it was dark and surely talaga ngang mag isa lang ako dito. Hinahanap ko ang switch ng ilaw para hindi na parang kweba dito, pag bukas ay nagulat ako dahil sa sunod–sunod na pag putok ng mga party poppers saakin.
"WELCOME HOME PSYCHE!!!!". They shouted in unison. Ngayon naliligo na ako sa pinag halo–halong confetti, glitters atsaka kung ano ano pang small particles na nagmula sa loob ng party poppers na yon. When I slowly tried to my eyes, I saw my friends including Trinity, Riane, Avi, Mace and Ramiel. Nandito rin si Primo atsaka si kuya Reidly tapos yung kambal at sila ata ang nag saboy saakin ng mga to.
"What in the world is happening? Bakit kayo nandito?". Walang gana kong tugon. I'm still upset about what they said kaya hindi nila ako pwedeng sisihin, I can forgive them but that doesn't mean na kakalimutan ko nalang yon ng ganon kabilis. All of them are still wearing their office attires, kahit si Mace atsaka Trinity ganon din ang suot. Don't tell me galing sila sa mga kumpanya nila? Mukhang mga tumakas pa ata silang lahat.
"I skipped my meetings today, it's too boring". Masayang tugon ni Ramiel saakin. Yeah I can definitely see that, ang sipag niyong mag cutting pero hindi sa klase kung hindi sa mga business meetings. Minsan kung ano ang nakaka bagot ay iyon pa ang importante kaya hindi na dapat sila nag abala, ayos lang naman kahit hindi sila mag punta para salubungin ako.
"Same here but my case is a bit different, I don't want to see my old man's face today because he's pissed". Natatawa pang sagot ni Mace saakin. Malamamg gumawa nanaman to ng kalokohan kaya galit sa kaniya ang tatay niya, perhaps he didn't asked anyone to pay kaya milyon ang kaylangan niyang bayaran? Or nakapikot na siya ng babae, nandoon lang sa dalawa ang kagaguhan niya.
"I skipped my meetings today because I wanted to, nandoon naman si Thor ngayon". Aniya ni Trinity. Sunod kong tiningnan ang mga hindi pa sumasagot, I can't help but smile dahil nandito sila ngayon pero I feel bad dahil mga abala sila at eto ako ngayon. Nang aabala, they have business meetings and yet? Here they all are.
BINABASA MO ANG
Our Tangled Strings (KOV #2)
RomanceThis is Kings Of Valentine #2- Our Tangled Strings. I never believed in red strings, cause it's just a myth that made people believe in love. Love was something fictional, only found in worn pages of books. It was just made up to keep humans full o...