Kismet 03 🌱

385 24 3
                                    

Use both sides of the paper

Research, thesis, assignments, and other printed schoolworks has a huge blank-empty-white-space at the back. Instead of throwing your schoolwork papers after submissions, try using them as a scratch in your next math problems. That way, you maximize it's usage. Leave no white space in papers.

🌱🌱🌱

"Gusto mo ba?"

Tumango lang ako.

Nasa canteen kami at sinabi ko kay Michelle ang mga sinabi ni Zaffron kanina bago niya ito kausapin. Wala talaga akong kayang itago sa kaniya.

Bumunong-hininga siya. "Fine, I'll cover you up."

"Hala magagalit si Nana," I told her while tearing open the plastic that was containing a plastic spoon and fork.

"Zyla, hindi naman niya malalaman kaya hindi siya magagalit. Saka isa pa,  sasabihin naman natin na ako ang kasama mo at sa bahay lang tayo. Don't worry. Ako na ang magpapaalam. Hindi ka marunong magsinungaling e," diretsong na sabi niya.

I pouted by what she said. Nagsimula na kaming kumain.

"Kinakabahan ako," I said out of nowhere.

"Alam mo, marami kang hindi magagawa dahil sa takot mo sa lola mo. Experience new things, Zyla. As long as you live, experience everything life can offer. Experience taught us best, kaya."

Nginuya ko muna ang isinubo bago ito lunukin. "Ito na ba ang start ng pagiging BI mo?"

That made her laughed. "Isang taon na lang, college na tayo. Try mo lang magsinungaling minsan."

"Okay, BI ka na," sabi ko saka sumubo ulit ng pagkain.

"I'm kidding!" She laughed again. "What I mean is, gawin mo naman 'yung gusto mo kahit minsan."

Napaisip ako roon.

"Should I go?"

Tumango siya saka kinuha ang canned na soft drinks niya. "I'll cover you, I promise."

Napatitig ako sa kaniya nang matagal, nagtataka. I tilted my head. "Bakit parang hindi ka nag-aalala na may makakasama akong lalaki tapos hindi ka pa sasama? At pinapayagan mo pa ako."

Makahulugang ngumiti siya sa akin. "I'm attending a party and I just talked to Zaffron, don't worry."

Akala ko talaga kanina ay pumunta siyang cafeteria pero nag-aantay lang pala siya sa dulo ng corridor. Then she talked to him for a bit.

"He seems harmless too. But still, bring your phone with you and ring me if you need help, okay?"

Tumango-tango ako.

"I'll text him first." Kunot noong tumingin ako sa kaniya.

"May number ka?"

Ngumisi ito sa akin. "Bakit, gusto mo?"

"Hala grabe siya. Nagtatanong lang, e."

+++

Michelle drove me home like she always did. Sinusundo niya rin ako sa umaga para sabay kami sa pagpasok dahil hindi ako pinayagan ni Nana na mag-drive at hindi rin naman ako marunong. Si Nana ang naghahatid sa akin dati pero dahil may katandaan na rin ay nag-offer na lang si Michelle. Okay lang naman daw kahit hindi iisa 'yung daan namin pauwi.

"Hi, Nana!" Masiglang bati ni Michelle nang ayain ko siya papasok ng bahay. Agad namang tumayo si Nana mula sa sofa at humarap sa amin na nasa entrada ng bahay. Wala pang nagyayari pero tumitibok na nang mabilis ang puso ko.

Kismet's Cultivation [Metanoia Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon