Hey! I'll be joining wattys so chapters from here onwards don't have initial edits. Will edit within the first week of October so by second week, medj edited na 'to.
---
It is Zaffron's birthday. Alam niyang alam ko. I tried asking him things kasi na gusto niya pero sa paraan na hindi niya mahahalata pero nalaman niya pa rin. Hindi na natuloy 'yung surprise ko dapat sa kaniya.
"E, anong gusto mo?" I asked.
"Somewhere to breathe."
Kaya ang nangyari, naisipan na lang naming umakyat ng bundok. I was wearing a black long sleeves and black leggings and rubber shoes. Zaffron on the otherhand was wearing a short and just a plain black shirt.
Our bags were all packed. May tent na rin. And of course, the food and snacks.
Nang makarating kami sa ibaba ng bundok nakita ko pa si Zaffron na kumuha ng stick. Pinabayaan ko na lang siya sa trip niya saka kami nagsimulang umakyat. May iilang puno sa palid. Mas marami 'yung maliliit na halaman na sa tingin ko hindi pa pwedeng tawaging puno dahil maliit pa.
We followed the trail. Marahil dahil summer na rin kaya sobrang tirik ng araw na halos mapaso na ang balat ko habang naglalakad kami, mabuti na lang at naka-long sleeve ako. Wala pa 'atang isang oras ay sobra na ang tagaktak ng pawis ko. Mabuti na lang at kumain kami kanina ng lunch kaya may energy kami. Hindi rin naman kasi planado ang galang 'to.
"You want us to stop?" Zaffron asked. Maybe he noticed my shoulders rising and falling in its unsual manner because of my breathing.
"Inom ka munang tubig, baka ma-dehydrate ka."
Hindi na ako sumagot at sinunod na lang ang sinabi niya. I sat on a big rock just enough for me to sit. Naupo naman si Zaffron sa harapan ko. Hawak niya ang stick at nagsilbi ring pambalanse niya.
"Gusto mo dito na lang tayo?" he asked, his tone laced with concern.
"Kaya pa. Medyo nanibago lang ang katawan ko," I told him between my ragged breath.
Tumango siya at lumapit sa akin. Kumunot ang noo ko. Nagulat ako nang bigla niyang punasan ang pawis ko sa noo gamit lamang ang palad niya.
"Pahinga na lang muna tayo rito kahit saglit," tunango lang ako dahil sa gulat at sumang-ayon sa kaniya.
Pagkatapos namin mamahinga ay muli kaming naglakad papuntang bundok. Habang papalapit sa tuktok ay unti-unti nang nawawala ang mga puno at ang mga matataas na damo na lang nakikita ko. Naging mabato ang daan. Nang minsang tumingin ako sa kalangitan ay nakita ko kung paano mamuo ang medyo may kaitimang ulap. Naramdaman ko na rin na ang init kanina ay napalitan na ng lamig.
Nakarinig ako ng kulog.
"Uulan."
Napaangat ang tingin ko kay Zaffron na nakatingala rin sa kalangitan. Bago pa kami muling makahakbang ay bumuhos na ang ulan.
Agad kong inikot ang paningin upang maghanap ng pwedeng silungan pero walang ibang nakapalibot sa amin kung hindi mga halaman. Nang ibaling ko kay Zaffron ang tingin para ayain siyang maghanap ng masisilungan ay nakita ko siyang nakatingala. Nakapikit at parang ninanamnam ang bawat pagbagsak ng malamig na ulan sa kaniyang mukha.
A glint of happiness was plastered on his face. Like he was glad that the rain poured, and he welcomed it almost open arms. He's like a bird that's once again, experience his freedom.
Marahil naramdaman niya ang titig ko kaya napabaling siya sa direksyon ko. Agad akong nag-iwas ng tingin at tumikhim.
We secured things that shouldn't be soak like my phone. Then we decided to treck to reach the top already while the rain is still pouring.
BINABASA MO ANG
Kismet's Cultivation [Metanoia Series 1]
Teen FictionWho would have thought that the runaway groom that I was supposed to take photos of, is the same man who promised me marriage before? +++ Zyla Castillo is a girl that is living under her strict Nana's wings in the small town of Philea. Being raised...
![Kismet's Cultivation [Metanoia Series 1]](https://img.wattpad.com/cover/226393346-64-k247032.jpg)