Kismet 16 🌱

196 13 4
                                        

"Zaffron," I called him while he was unlocking his bike from the rack.

"Yeah?"

"I wanna see the fireflies again. Pwede ba?"

Kumunot ang noo niya. Marahil sobrang random ng request ko. "Bakit?"

Napaawang ang labi ko. Bakit... parang ayaw niya?

Ngumiti na lang ako saka umiling.

"J-joke lang pala."

He stared at me. Like he was weighting himself and what he should say next. He looked hesitant but still utter a question.

"Do you really want to see it?"

Napakagat ako ng labi bago tumango.

"Okay."

Dumating kami sa pamilyar na lugar. May harang na dilaw na tali pa rin ay mga barbwire. May nakasulat na no trespassing pero nagdiresto pa rin kami sa loob. Naglakad kami ng ilang minuto. Hawak-kawak ni Zaffron ang kamay ko simula nang bumaba kami ng bike.

The place looked the same. Green plants everywhere with brown grounds and body of trees. Zaffron held me immediately on the waist making me yelped because of his sudden movement. Iniangat niya kasi ako doon sa arko ng puno.

"Pano kung nahulog ako?!" I told him making him chuckled.

I pouted when he effortlessly pushed himself up to sat beside me on the curve root of the tree in the middle. Sana kasi tumangkad pa ako kahit isang dangkal.

I brought mushroom chicharron with us and opened it. We talked randomly about how our day went while eating. Looking around and listening to the sound the chirping birds together with the forest tune. The wind blew sometime which was cold against my skin.

"Zyla," he called.

"Hmm?"

I was leaning on his shoulder. My hand that was holding the snack was hooked on his arm.

"Do you at least like me?" My heart thumped.

Tumingala ako sa kaniya at ngumiti.

"What do you think?"

Umiling siya habang nakatingin sa akin. "Tell me."

"Why do you think I'm with you today?" Nag-init ang mga pisngi ko. Gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko nagawa. I want him to read it in my eyes as I said what he can read.

"I like you, Zaffron."

Nakita ko ang panlalaki ng mata niya. Na kahit expected niya na ang sasabihin ko ay nagulat pa rin siya. Bumuka ang bibig niya, parang may gusting sabihin pero walang lumabas na boses. Sa huli ay itinikom niya na lang ang bibig at umiwas nang tingin. Kahit padilim na ay hindi nakaiwas ang pag-iiba ng maputi niyang mukha. Nakita kong napalunok rin siya.

Natuwa ako ng makitang namumula ang tenga niya. I hugged his arm tighter. He was looking away when he fisted his hand and move it to his chest. Then like it was a door, he pound his fist twice on his heart.

Napakunot ang noo ko. "Bakit?"

He glanced at me before looking away, embarrassed. "Your making me damn nervous."

Nagulat ako nang magmura siya pero gumuhit ang ngiti sa mga labi ko. "You're cute."

Umiling siya. "Nah, you're the cute here," he said, still not giving me a look.

Humilig na lang ako sa balikat niya saka pinagmasdan ang tila perpektong hugis ng mukha niya mula sa gilid.

Noo, ilong, labi, adam's apple...

Kismet's Cultivation [Metanoia Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon