Kismet 05 🌱

306 20 0
                                    

Avoid Disposables

Just imagine how much plastic you use in a year by just using
disposables everyday.

Instead of using plastic spoon, fork, straws and chopsticks, try investing for reusable utensils. You can also find refillable tumblers and avoid buying plastic bottled water.

If it really can't be helped,
at least lessen the use of plastic
like being strawless.

[Plus ther are some tumblers
that have really cute and
fashionable designs!
Saka ang mahal na ng tubig! Lol]

🌱🌱🌱


Another lunch came and deliveration happened in faculty resulting an early dismissal to the whole High School department. Mukhang mas maaga rin ang labasan nila Zaffron dahil pagkasilip ko pa lang sa labas ng classroom namin ay nakita ko na siya kaagad. Lumabas ako at binigyan siya ng ngiti nang lumapit siya sa akin.

"Hi! Maaga kayong pinalabas?"

Tumango siya. "Where's Michelle?"

"Nag-CR kanina e. hinihintay ko nga bumalik pero ang tagal. Inabot na ng dismissal."

"Puntahan na natin."

Napaatras ako. "Um, antayin na lang natin siya dito, pwede?" I asked hesitantly.

"Is it because of what happened yesterday?"

Hindi ako sumagot pero nag-iwas ako ng tingin bago paglaruan ang buhok ko.

He sighed. "Fine, let's wait."

"Hala, naiinis ka na?"

"Oo. Sa sarili ko." He met my eyes. "Sorry I wasn't there. I shouldn't leave you," he apologized again.

"Hindi mo naman kasalanan," I told him.

"It's actually my fault."

"Hindi naman."

"It is."

Hindi ko na pinagpatuloy pa ang pagpupumilit na wala siyang kasalanan dahil mukhang ipipilit niya rin na siya ang may kasalanan.

"Tara sa classroom muna tayo. Wala naman nang tao dito," aya ko saka binuksan muli ang pinto para pumasok.

Inayos ko muna ang mga gamit ko habang umupo naman siya sa teacher's table.

"Magkakilala kayo ni Natasha?" I asked him while placing my pens on my pencil case just to have conversation.

"Oo."

"Close kayo?"

"Hindi."

"Ah, saan kayo nagkakilala?"

"Why are you asking?"

I shrugged and smile sheepishly. "Just curious."

Inilagay ko ang notebook at pencil case ko sa bag bago ito isinara saka bumaling sa kaniya para manghingi ng mga sagot ulit.

Inintay ko ang sagot niya kaso nahuli ko siyang nakatingin sa akin nang mag-angat ako ng tingin. Narinig niya ba 'yung sinabi ko?

"Sa'n kayo nagkakilala?" ulit ko kasabay ng pag-iwas niya ng tingin.

"I'm a city scholar. Then her father is the mayor."

"Ah." Tumango-tango ako.

Lumapit ako sa bag ni Michelle saka kinuha 'yon. Nakaligpit na rin naman ang mga gamit niya kaya dinala ko na malapit sa amin.

Kismet's Cultivation [Metanoia Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon